Kabanata 62

107 8 1
                                    


Habang naglalakbay sila papunta sa Bayan ng Panangga ay panay ang tingin ni Prinsipe Fire Aiden sa kanyang mahal. Alam niyang nasaktan ito dahil sa ginawa niya kanina.


" Kain ka pa Mira" napa tingin siya ng magsalita si Dark na nasa tabi nina Mira.



" Bakit ba gutom na gutom ka naman ata. Kahit kailan Mira" kita din ng mga Prinsipe ang pagbabago ni Yna pero di mawawala dito ang pagiging maarte sa pananalita.



" Eh kasi naman" hindi matapos ni Mira ang sasabihin at alam niyang tuningin ito sa kanya pero umiwas siya ng tingin. " Basta nagugutom ako. End of discussion"



" Well well marami tayong makakain sa lugar nina Kevin"



" Hoy khiano para sabihin ko sayo na magka sintada lang tayo at mas matanda sayo sina Kuya Kevin kaya dapat igalang mo sila"



" Ayoko nga" sabi neto at napa kuyom nang kamao naman si Prinsipe Aiden dahil parang sinasadya ni Khian na pagselosin siya pero kumalma siya dahil alam naman niya na kapatid lang ang turingan nilang dalawa.



" Ayan kasi, patampo tampo tapos ngayon inis na inis" napa tingin ang binata sa gilid niya at doon niya nakita si Thor na naka akbay kay Winter.



" Eh sa di ko makalimutan ang ginawa niya. Nagsinungaling siya sa akin kung pwede naman niyang sabihin sa akin"



" Tama ka naman doon Aiden pero baka ayaw ka lang istorbuhin ni Mira" sagot ni Winter.



" Pero mas gusto ko yun kaysa sa mapahamak siya, kinabahan talaga ako sa nangyari. Di ko alam parang mas gugustuhin pa niyang magsinungaling sa akin para lang.."



" Para lang sa pagkain kung yun ang gusto mong sabihin Aiden. Si Mira kasi minsan kapag nagugutom siya at wala siyang makitang pagkain hindi siya yung magmumukmok para lang mabigyan siya ng pagkain kasi para sa kanya mas ayus na kung ikaw mismo ang gumawa ng paraan. Di niya ugaling mag-abala ng tao kahit pa sabihin natin na boyfriend I mean kasintahan ka niya baka ayaw niya lang mang istorbo sayo kasi may kasabihan yan sa sarili niya. Aanhin mo pa ang mga kamay at paa mo kung aasa ka din naman sa iba. Makulit siya at siya mismo ang gumagawa ng paraan para masolusyonan ang bagay. Sana magka ayus na kayo" napa tingin sila ng magsalita si Mics.



" Safira" biglang tawag ni Mira kay Prinsesa Safira.



"Oh bakit?"



" Ayus na ba kayo ni Khiano"



" Ewan ko diyan, masyadong maarte"



" Tama masyadong pabebe si Khiano kala mo naman babae"



" Pabebe? Ano yun?" tanong ni Safira.



" Parang maarte"



" Ah tama ka bes hahaha" tumawa yung dalawa na ikinasama ng tingin ni Khian.



" Anong maarte anong maarte mas maarte pa nga sa akin si Angelic noh"



" Hoy khian ah tigilan mo ako" .




" Inaano naman kita?"



" Dinadamay mo ako, pabebe ka nga tulad nang sabi ni Mira tsaka ako babae eh ikaw lalaki kaya wag mo akong ikumpara sayo"



" Tsk pero ang mga babae parang manok putak ng putak"




" Oy hindi tsaka ganon din naman kayo. Mas madami pa nga ang nasasabi mo kaysa sa amin" Summer



Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon