Fire Aiden's POV
Nakarating na kami sa forest ng mga mage. Malayo layo pa ang lalakarin namin bago makarating sa palasyo. Tiningnan ko si Mira na manghang mangha sa lugar akala mo walang nangyaring masama sa kanya.
" Woah!!! Ang ganda dito kasing ganda ko HAHAHA" kita ko na natawa ang mga ungas sa kahanginan ng Prinsesa.
" Maganda ba kamahalan" singit na tanong ni Zion nag pout naman siya. Kung nagtataka kayo kung bakit kami marunong mag english at ibang salita ng tao ay yun ay dahil yun din ang ginagamit namin na salita at tungkol sa english inaaral din yun dito.
" Diba kakasabi ko lang" sabi niya natawa naman ang ungas sa pamimilosopo nito kay Zion.
" Hmm malayo pa ba tayo kasi alam niyo mga bes ang sakit sa paa huhuhu" sabi niya bigla pupunta na sana ako sa harap niya para mag alok ng piggy back ride pero naunahan ako ni Dark.
" Kamahalan sumakay ka sa likod ko para hindi ka mapagod" binatukan naman siya ng Prinsesa.
" Baliw ka hindi mo ako kailangang tawagin ng kamahalan. Mira yun na lang" sabi niya tsaka siya sumakay akala ko tatanggi siya. " Masamang tumanggi sa grasya HAHAHAHA" sabi niya at nagtawanan sila. Napuno ngmga corny jokes ang paglalakbay namin.
" Dark ikot ka bilis" utos niya
" Ha? Bakit"
" Basta gusto ko mafeel yung hangin at yung lugar " umikot si Dark at tinaas naman niya ang kamay niya na para bang feel na feel niya. " Pago kana ba pwede mona akong ibaba'
" Hindi pa naman"
" Sige na ibaba mo na ako" sabi niya tsaka bumaba at tumakbong parang bata doon sa puno ng bulaklak.
" Anong gagawin mo?" tanong ni Rain sa kanaya ngumiti lang siya.
" Hmm pwede ba akong kumuha ng bulaklak"
" Ako'y magagalak kamahalan kung gagawin mo yun" sabi nung matandang puno kita sa mukha niya ang pagka gulat.
" Hala nagsasalita si Mr. Tree" tumingin siya sa amin kaya ngumiti ang mga Prinsipe ako poker face lamang. " Pwede ba talaga baka masaktan ka kung nagkataon" malungkot na sabi niya.
" HAHAHA pwede po kamahalan" ngumiti siya tsaka kumuha ng bulaklak at nilagay sa gilid ng tenga niya. Bagay sa kanya.
" Ah salamat at nga pala Mr. Tree Mira na lang po ang itawag niyo sa akin" sabi niya.
" Nako pasensiya na kamahalan pero hindi po maaari" sabi niya at ang Prinsesa nag pout na naman.
" Sige na po Mr. Tree kung ayaw niyo ganito na lang. Inuutusan kita bilang Prinsesa na Mira na lang ang itawag sa kanya" aba feel na feel agad ang maging prinsesa hahaha.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantastikMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...