Kabanata 71

90 5 1
                                    


Princess Mira Oceania's POV

Naka tingin lang sa akin si Fire habang nilalaro ko 'yong tubig ng ilog tutal ito na ang huli naming araw. Tatlong araw kaming nagsanay at ngayon ay nagpapahinga lang kami tapos aalis na din kami kasi nagtataka sina Kuya Mics kung bakit wala man lang pumipigil sa amin na Arcanean kung alam naman nila na gagawa at gagawa kami ng paraan para matalo sila. 

" Mira!" angal niya ng talabsikan ko siya ng tubig pero natawa lang ako. " Sige tawa pa" lalo nga akong natawa dahil sa itsura ng mukha niya. 

Para siyang bata na takot sa tubig.

" Ang arte nito, hahaha. Mababasa ka rin naman," pagkatapos kong sabihin iyon ay binasa ko siya ng maraming tubig at ayon sapol sa mukha. 

Laugh trip. 

"Mahal, your reaction is priceless hahaha...." pang-aasar ko bago ipagpatuloy ang pagbasa sa kanya. Sa aming dalawa ay siya pa lang naman ang nababasa sa mukha kasi wala pa ngang tuhod ang tubig kung saan ako naka pwesto.

" Ah! Gano'n." Natigilan ako ng may pumasok na kung ano sa bibig ko at kasabay noon ay ang malakas na tawa ni Fire. 

Binasa ako kaya boom pasok sa bibig ko ang tubig. 

"Ano, mahal hahaha. Nakaka tawa ka!" pang aasar naman niya sa akin. Dahil dakila akong actress ay umubo ako ng peke na para bang ang daming pumasok na tubig sa aking bibig. 

Letchugas hindi ko man lang namalayan na nasa may tubig na din siya. Ramdam ko ang pagtigil ng tawa niya kaya naman ginalingan ko pa sa pag acting. Napahawak ako sa dibdib ko tsaka umubo. 

"Mahal," ayan na na apekto na nga. Ang galing mo talaga self. " Mahal anong nangyari?" tanong niya sa akin pero hindi pa rin siya nalapit kaya naman lalo kong hinawakan ang dibdib ko habang naka tingala.

"H-hindi ko alam, p-para bang may b-bumara sa lalamunan ko dahilan para hindi a-ako maka hinga ng ayos." Humawak pa ako sa tuhod ko. " P-pati 'ata sa ilong ko pumasok ang t-tubig"  Naramdaman ko na lumapit siya sa akin kaya naman umupo na ako sa ilog dahil mababaw naman siya kasi nasa bukana lang kami. 

" Mahal, nasaan ang masakit," humawak ako sa tuhod niya since naka tayo pa rin siya. 

" Mahal, ang s-sakit sa dibdib!" sabi ko pa at kasabay noon ang pagpatak ng luha ko dahilan para maagapan siya. 

" Sabihin mo sa akin ang masakit" tinuro ko 'yong dibdib ko. " Dadalhin-stercore!" hindi niya natapos ang sasabihin niya at bigla na lang napamura ng sabuyan ko siya ng tubig sa buong katawan tsaka ako mabilis na tumayo at tumakbo.

" Naloko kita, mahal!" binelatan ko pa siya at kita ko na mabilis siyang tumayo kaya naman ay tumakbo ako kaya hinabol niya ako.  

Wala pa 'to ang bagal tumakbo hahaha....

"Aray!" reklamo ko nang umumpog ako sa kung saan, Ang sakit ng noo ko dahil doon. " Wah!" napa sigaw ng lang ako ng binuhat ako ni Fire. Bakit ba nakalimutan ko na may mahika siya na maglaho tulad ko. 

" Pinag-alala mo ako at dahil doon ay makakatanggap ka ng parusa. Pasaway!" Binuhat niya ako na para bang bagong kasal.

"Ibaba mo ako, mahal. Ibaba mo ako sabi!" sigaw ko habang nagpupumiglas pa pero wala ring talab. " Saan mo ako dadalhin. Wah!"

" Dadalhin kita sa alapaap hahaha." 

" Ano-" naputol ang sasabihin ko ng dumapo sa akin ang malamig na bagay na dahilan para mabasa ako. Pumunta siya sa malalim tsaka doon tumalon, itong ilog na ito ay kadugsong noong talon na pinuntahan namin. 

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon