Bagsak balikat ni Prinsipe Aiden dahil sa narinig niya kay Nimpa. Alam niya sa sarili niya na pwede nga iyong mangyari pero dahil siya si Fire Aiden na minamahal ang babaeng iyon ay hindi siya naniniwala.
"H-Hindi totoo ang sinasabi mo," sambit niya dito.
"Totoo iyon kamahalan.Binago niyong dalawa ang kapalaran niyo dahil sa paggamit ng mahika na hindi sakop ng mage na tulad niyong dalawa. Dahil hawak mo na ang espadang iyan ay hindi mo na iyan maaaring maibalik sa akin dahil si Mira ang masasaktan sa kanyang isipan."
"A-Anong gagawin ko? Hindi ko iyon kayang gawin? Mahal ko siya at alam kong hindi ko iyon magagawa?"
"Pero kapag hindi mo iyon nagawa ay ikaw ang mamamatay ng kusa sa kabilugan ng buwan."
"Mas gugustuhin ko pang mamatay ako kaysa siya pero hindi iyon maaari dahil alam kong malulungkot rin siya. Tulungan mo ako Nimpa, tulungan mo ako pakiusap. Hindi iyon pwedeng mangyari!"
"Pagtapos ng labanan niyo sa mga Arcanean ay pumunta ka dito kada linggo O kung kailan mo nanaisin para sa gano'n ay makita natin kung may magbabago pa ba at dapat 'wag niyo nang gamitin ang mga mahika na hindi sakop ng katauhan niyo. Ingatan mo rin na hindi masaktan si Mira ng espada na iyan dahil konting dampi lang niyan ay pwede na niyang ikamatay."
"S-Sige pupunta ako dito at sisiguraduhin ko na may magagawa pa ako. Hindi ako makakapayag na mamatay siya." Tumayo na siya ng maayos bago tiningnan ang espada.
"Pero hindi ka rin niya hahayaan na mamatay,"bulong ni Nimpa.
"Ano iyon Nimpa?" tanong ni Aiden.
"Wala ang sabi ko ay pumanhik ka na doon dahil sigurado ako na aalis na kayo. Sundin mo ang sinabi ko." Naglaho na ito sa kanyang harapan habang siya ay tulala pa rin.
"Mahal!" napa tingin siya ng tawagin agad siya ni Mira. " Ano ka ba saan ka ba galing kanina ka pa namin hinahanap dahil aalis na tayo. Umiyak ka ba?"
"H-Hindi tsaka nagpunta lang ako sa banyo sandali.Tara na." Hinawakan ni Aiden ang kamay ni Mira tsaka ito inaya papunta sa iba. Alam niya sa sarili niya na hindi niya pwedeng sabihin kay Mira iyon dahil paniguradong mag-aalala ito para sa kanya at sa kanilang dalawa.
"Dahil kumpleto na tayo ay tara na!" Sumakay na sila sa kabayo nila habang si Mira naman ay hinawakan ni Aiden sa braso.
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...