Para sa pagbabago....
Winter POV
Para bang biglang lumungkot ang palasyo ng umalis sina Mira. May kanya kanya kaming ginagawa dito sa loob ng palasyo nila. Pinayagan kami ng Inang Reyna at Amang Hari na dumito muna nina Autumn.
" Ano ba nakaka inis kana ah" napa tingin ako kina Summer ng sabihin niya yun. Aso't pusa na naman sila ni Rain. Kailan ba sila magkaka ayus.
" Mas nakaka inis ka. Ang dami mo naman kasing arte summy" pang aasar ni Rain sa kanya. " Yang bunganga mo kahit kailan hindi tumatahimik, ano bang pake mo kung magkasama sina Mira at Dark, bakit selos ka ha!" natawa naman ako dahil sa inaasal ni Rain Anil.
" Hindi ako nagseselos noh tsaka ayus lang kung maingay ako kasi natural yun sa isang babae eh ikaw putak ng putak na dinaig pa ang babae. Mukha na ngang babae kung kumilos pa ay para na ding babae. Bakla ka siguro" kumunot noo naman si Rain pero natawa sina Autumn at Safira dahil sa pang aasar ni Summer. "Bakla ka noh-" natigilan kaming lahat ng halikan ni Rain si Summer sa labi.
"Sino nga ulit ang bakla" natawa naman ang mga lalaki. "Alam mo kasi summy kapg sinasabihan kaming bakla ibig sabihin nun gustong magpahalik ng babae sa amin" natawa naman kami dahil hinawakan pa ni Summy ang kanyang labi.
" Hindi pa malimutan ata ni Summer ang halik mo tanda, naglalakbay pa sa kanyang imahinasyon eh hahaha" natawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Fire, kahit nagtataka ay nakitawa na din ang iba. Ako kasi alam ko ang dahilan kung bakit siya ganan.
" Hahahha soo nga noh hahaha-teka sabi mo tanda, sinong matanda ha!" biglang nag usok ang ilong ni Rain.
"Ikaw alangan naman ako diba" naka ngising sabi ni Fire. Kanina pa yang naka ngiti nang ganan ah.
" Ah wala ka na talagang galang sa akin bata" sabi ni Rain.
" Meron naman, depende nga lang"
" Tsk dibali na nga lang" tumingin muna siya kay Summer " Ano ha! Bakit ka natahimik diyan" pang aasar ni Rain sa kanya.
"Sasabihin kita kya kuya Clay" naka ngusong sabi ni Summer pero natawa lang kami "Kuya Clay tingnan mo nga 'to oh" sumbong niya kay Brent na nagbabasa ng libro.
" Nagustuhan mo naman Summy kaya wag kanang mag reklamo, kunyari ka pa" tawanan lang kami ng tawanan dahil sa sinabi ni Brent kay Summer.
"Ano ba yan"
" Hahaha wala kang kakampi noh" pang aasar ni Rain sa kanya " Yung mga babaeng tulad mo na maiingay dapat pinapatahimik gamit ang pangmatayan kong mga halik, nakaka rindi yung boses niyo" pang aasar pa niya pero nagulat ako ng ngumisi si Summer.
"Ano nga ulit sabi mo. Nakakarindi ba ang boses namin" naka ngising sabi ni Summer pero kumunot noo namin.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...