Kabanata 44

163 8 0
                                    



The Arcs....



Princess Mira Oceania's POV

Ngayon na gaganapin yung party dito sa academy namin. Magkakasama kami nina Summer at sumama din sa amin yung transferree na si Diana ata yun. Pansin ko na minsan sinasamaan niya ako ng tingin pero ngingiti rin kapag nakaharap sina Winter. Plastik ka bes dapat sayo sinasamahan ng straw. 


"Bes!" napa tingin ako sa sumigaw at nakita ko si Stella na maganda rin kahit may salamin pa rin. Tumingin ang mga mage at nag bulungan pero di yun pinansin ni bes at lumapit sa amin. 



" Kasama natin ang panget na yan" sabi ni Diana pero di siya pinansin ni bes.



"Oo eh kaibigan na rin namin siya" sagot ni Summer at nang iba. 



"Ano pa nga bang magagawa ko?" 



"Syempre wala duh. Tsk mukha ka namang clown" mahinang sabi ni bes pero hinawakan ko siya sa kamay niya. 



" Ano! Tandaan mo na mahinang mage ka lang at kayang kaya kitang saktan! Sidekick" sabi niya kay Stella. 



"Freak!" sabi ni bes kaya inawat kona siya. " Nakaka inis bes eh"



"Hayaan mona lang, maganda ka naman"



"Ikaw din" sabi niya. Natigilan kami ng may lumapit sa aming parang mga waiter at inabutan kami ng juice kaya isa isa namin iyung tinaggap. Iinumin kona sana yung sa akin ng may tumawag sa akin.



"Prinsesa Mira kailangan ko po kayong makausap" sa pagkakatanda ko ay isa siya sa tauhan sa aming palasyo. 




" Sige po" sabi ko bago tumingin kina Thor, Summer at sa iba pa.  " Doon lang ako ah" sabi ko sa kanila.



"Sige balik ka kaagad" sabi nila kaya tumango na ako bago sumunod doon sa babae. 



"Ano pong kailangan niyong sabihin?" 



" Kailangan po naming ipaalam sa inyo na may iniindang karamdaman ang Hari ng Archamage" nagulat ako ng sabihin niya yun. " Pero ang sabi po nila ay wag na muna kayong pauwiin ganon din po si Prinsesa Yna dahil baka mahawa lamang kayo. Wag mo kayong mag-alala ayus lang daw po sila yun po ang saad ng Reyna" 

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon