Prince Fire Aiden's POV
Tahimik lang kaming lahat habang inaayus ang mga kakailanganin namin sa paglalakbay. Tahimik lang ako naka upo sa may batuhan ng lumapit si Jane sa akin.
"Kuya" tinaasan ko siya ng kilay bago sinenyasan na maupo sa tabi ko. " Nasaan si Mira?" tanong niya sa akin.
"Tulog pa siya, bakit? Kumain ka na ba?"
"Oo kanina pa"
"Bakit mo hinahanap si Mira"
"Kakausapin ko lang sana siya" tsk alam kona ang pakay neto eh.
"Humingi ka lang nang tawad Jane" napa nguso naman siya.
"Parang ang hirap naman kasi, alam mo naman na bago bago tayo nagkakakilala"
" Bakit kasi sinabi mo pa yun, saan mo naman yun napulot" tinarayan naman niya ako tsaka tinaasan nang kilay.
"Meron po kasi akong kapatid na magaling na siya mismo na nagsabi na wag akong lumapit doon dahil manyakis daw siya, nasuntok pa nga siya ng babaeng mahal niya tsk" inismiran ko lang siya kaya natawa siya.
"Khian sandali!" napa tingin kami ng tinawag ni Summer si Khian na di kalayuan sa pwesto namin.
" Bakit?" tanong ni Khian.
"Ano hmm..ano kasi... ano"
"Ano?" tanong ni Khian sa kanya.
" Kakahiya man pero pwede bang tulungan mo akong magbuhat ng gagamitin natin kasi yun ang pinapagawa sa akin nang tanda na Anil na yun. Masyadong panira ng umaga kutusan ko siya. Hehehe pwede ba?" sabi pa ni Summer.
"Oo ayus lang sa akin, titingnan ko lang sandali si bunso. Hintayin mo na muna ako"
"Sige salamat" naglakad na nga si Khian papunta sa direksyon namin at napansin ko ang paghawak sa akin ni Jane kaya natawa naman ako. Kita ko din na nagsimula nang magbuhat si Summer nang mabibigat na kailangan namin at sa mismong harap pa talaga ni Rain na hindi man lang siya tinutulungan.
"Gising na ba si bunso?" napakagat muna ako sa aking mansanas bago tumingin sa kanya pero bago ako makasagot ay umimik na si Jane.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...