Summer's POV
Nagulat kami kanina nang masuntok ni Fire si Mira sa sikmura pero naka hinga kami ng maluwag nang senyasan kami ni Mira na ayus lang siya. pero pero pero pero lalo akong nagulat nang maging kulay blue na parang crystal ang mata ni Mira idagdag mo pa ang kulay asul na buhok niya pero di naman lahat.
Pero...sabi ko nga di pa tapos hehehe mas lalo kaming nagulat ng bumilis ang takbo ni Fire. Nadaig pa nga niya si Thor, abilidad kasi ni Thor na tumakbo ng ganun kabilis at nahirapan siyang palabasin yun pero si Fire ang dali dali lang. Napa tingin kami sa may puno nang magpunta doon sina Mira. Napa sigaw nalang kami ng mawalan ng balanse si Mira.
"Blue!!!" rinig naming sigaw niya, bakit ba kasi ang taas nang puno. Napa nganga kami ng masambot nung Blue si Mira. Siya yung guardian ni Mira, lumapit kami ng mailapag si Mira.
"Mira ayus ka lang?" tanong namin samantalang kababa lang ni Fire sa taas ng puno. Kung titingnan mo siya kanina bakas din ang pag-alala niya. Di kami sinagot ni Mira at ngumiti lang siya at nakita lalo namin ang magaganda niyang mata. Nagulat kami ng nagtatalon siya sa harap namin.
"Wah! Blue blue napalabas na kita. Yieee ang galing galing natin. Teamwork ang tawag doon!" masayang sabi niya.
" Nagtulungan ba kayo? Tinawag mo lang naman yang guardian mo" sabat ni Fire.
"Epal ka kahit kailan" sabi ni Mira.
" Di pa tapos ang laban.....Hestiya!!!" napalayo kami ng tawagin ni Fire ang guardian niya at lumabas nga si hestiya. Ano kayang mangyari. " Talunin natin sila" dagdag pa niya.
"Sige master!" sabi ni Hestiya pero kumaway pa siya kay Mira na ikinatawa namin. " Ang ganda mo pala pikachu!" sabi ni Hestiya.
" Hehehe ikaw din bagay kayo ni Blue" singit ni Mira. "Sayang lang at napunta ka sa masungit na amo" pang aasar ni Mira.
"Tama ka po, kamahalan"
"Magpatalo ka na lang ah! Kasi tingnan mo kinawawa na ako ng master mo tapos ang sungit sungit pa nako kung ako sayo di ko yan ipapanalo-"di niya natapos ang pang-aasar dahil nagsalita si Hestiya.
"Di maaari kamahalan. Ang laban ay laban at ang master ay master" sabi niya dahilan para mapa nguso si Mira.
" Di siya uto uto tulad niyo ng guardian mo" sabi ni Fire at natawa ulit kami. Sinamaan siya ng tingin ni Mira.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...