Mira Oceania POV
Wah!!! Papasok na naman ako sa school, at di na siya simple na school. Naghahanda na ako para sa pagpasok ko sa school na yun. Excited ako pero kinakabahan din, excited kasi makaka discover ako ng ibang mahika sawa na kasi ako sa mahika ng mga prinsipe pero charot lang hahahaha, kinakabahan naman ako kasi dalawang linggo na lang ang nakalaan para matuklasan ko ang kapangyarihan ko pero wala pa ring nalabas.
" Kamahalan handa na po ang hapag kainan"
"Susunod na po ako" sabi ko tsaka nagmadaling ayusin ang mga gamit ko. Masaya akong bumababa sa hagdan at nakita ko na silang lahat doon kaya ngumiti ako. " Magandang buhay everyone!!!" sigaw ko kaya napa takip naman sila ng tenga naman sila kaya napa simangot ako. May mga sinasabi sila sa wika nila kaya wala akong maintindihan eh kung koreanohin ko kaya mga ito kasi wala epeks mga sis ang ingles chu chu kasi maalam din sila.
" Magandang umaga Prinsesa Mira" bati sa akin nina Thor, Zion,Rain, Brent samantala yung tatlo ay tumango lang sa akin. Tsk tsk mga masusungit. Kumain na kami at madaldal si Angelic pero di naman pinapansin ng mga prinsipe kahit kailan wala silang mga kwenta hahaha.
" Masaya talaga akong babalik na sa paaralan. Makikita kona ang mga kaibigan ko, sa wakas di na lang mukha ni Oceania ang makikita ko, ang panget panget naman kasi niya diba!?" tumingin siya sa ibang prinsipe na tuloy lang sa pagkain "Nakikinig ba kayo sa akin, duh kanina pa ako dito nagsasalita oh" sabi niya kaya napa tingin sa kanya ang prinsipe tsaka tumango kaya nagtuloy na siya sa pagsasalita.
" Bilisan niyo na diyan!" masungit na sabi ni apoy tsaka na unang umalis ng hapag kainan na sinundan naman ni Ice at Dark. Nagka tinginan kami tsaka na nagtuloy sa pagkain at nang matapos na ako ay sumunod na ako, hihintayin ko pa sina si Angelic ng sabihin niya na ayaw niya akong kasama kaya iniwan kona siya.
" Ang ganda mo sa uniforme ng Aquarius Imperium Academy" naka ngiting sabi ni Rain kaya ngumiti naman ako.
"Salamat kaya lang ang ikli ng palda, kaloka ano yun mauubusan na sila ng tela ganon" naka busangot na sabi ko na ikinatawa naman ng iba.
" Ayus lang yan kamahalan, bagay nga sayo" sabi ni Zion kaya ngumiti na lang ako dahil di talaga ako kumportable sa suot ko.
" Ang gwapo namin kamahalan noh" naka ngiting sabi ni Thor sa akin kaya tiningnan ko naman sila isa isa at ang gwa gwapo nga nila.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasiaMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...