Princess Mira Oceania's POVGeez katakot naman dito. Paano ba naman mga bes paano kami makakadaan ng ayos kung kaonting daan lang ang meron kami. Ka s'ya naman mga kabayo namin kaso minsan nabibiyak yung yelo kaya isang maling hakbang laglag kay kamatayan.
" Mag-iingat ka mahal" tumango na lang ako. Nauuna siya sa akin pati na rin yung kabayo niya. Ilang minuto pa kami na ganon ang ginagawa nang biglang gumuho nang kaunti yung tinapakan ng kabayo ko kaya napa atras agad siya. " Mahal" nag aalalang tawag ni Fire. Napa tingin ako sa baba at masasabi ko na nakaka lula.
" Ayus lang kami" sagot ko tsaka nag pokus sa dinadaanan namin. Isang tunog na naman ang lumabas sa kabayo ko.
" Gumamit na tayo ng mahika mahal" ayaw ko kasing gumamit hangga't maaari.
" Kaya natin ito mahal okay" napa buntong hininga na lang siya. " Fire!" sigaw ko ng biglang gumuho ang yelo na dinadaanan nila dahilan para mahulog spila kaya wala akong choice kundi gamitin ang mahika ko. Ginamit ko ang Wind Element para lumutang sila at ganon na din ang ginawa ko since malapit na rin iyun na gumuho.
" Di ko alam na pwede mong gamitin ang elemento ng hangin para gawing pegasus ang mga kabayo natin" ngayon ay magkatabi na ang aming mga kabayo na lumilipad sa himpapawid.
" Ganon kaganda ang mahal mo" natatawa kong sabi.
" Ano naman kinalaman ng ganda mo sa ginawa mo baka kamo magaling hindi maganda-aray!" reklamo niya ng patamaan ko siya ng Water Element.
" Sinasabi mo bang hindi ako maganda-aray!" ako naman ang nag reklamo ng pitikin niya ang noo ko.
" Tinatama ko lang ang binibigkas mo pero di ko sinabi na di ka maganda. Tampo agad tsk tsk tsk" napa nguso na lang ako kaya natawa siya. " Akina ang kamay mo"
" Bakit naman aber" reklamo ko sa kanya.
" Gusto ko hawakan ang kamay mo may problema ka ba doon"
" Heto na po apoy" naka ngiting sabi ko bago inabot ang kamay ko sa kanya na hinawakan naman agad niya. Mahirap kasi medyo malayo ang pagitan namin dahil sa pakpak" Nakita mo na ba sila?" tanong ko patukoy sa mga kasama namin.
" Nakalabas na siguro sila ng gubat pero alam ko na hindi pa sila nakakarating doon kasi umaga pa din naman. Bumibilis lang ang oras dito sa gubat kapag umuulan" napa tango na lang ako pero napansin ko na bumabalik na naman siya sa lagay niya tulad nung nasa kweba pa kami.
" Mahal ayus ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
" Ayus lang...." natigilan siya tsaka tumingin sa akin. " Nanghihina na ulit ako pero kaya ko pa naman"
" Bakit sabi mo ayus lang"
" Sasabihin ko sana na ayus lang ako pero naisip ko na nangako ako na hindi na mag sisikreto sayo. Alam ko naman na kahit sabihin ko sayong ayus lang ako ay mag aalala ka pa rin"
" Tama naman yun. Teka yun ba sila?" tumingin ako doon sa mga naglalakad na akala mo mga zombie dahil sa pagod.
" Yun nga sila" pinalipad namin ang kabayo namin patungo sa mga kasama namin na hindi pa namamalayan ang presensiya namin.
" Malayo pa ba Mics?" rinig kong tanong ni Thor. Bumaba kami sa kabayo tsaka naglakad sa likod nila.
" Malapit na tanaw ko na nga dito" sagot ni Kuya Mics.
" Kanina ka pa ng kanina na malapit na pero ang totoo malayo pa talaga" reklamo naman ni Rain.
" Oo nga kami ba ay pinagloloko mo ha!Michael" reklamo ni Khian sa kanya.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...