Kabanata 9

311 13 0
                                    


Safira Jane POV

Hi there cuties. Kamusta kayo diyan btw kilala niyo na ba ako syempre hindi pa hihihihi. Huwag kayong mag-alala dahil makikilala niyo rin ako hehehe. 


"Aray huhuhu ang sakit ha" angal ko. 


"Patawad kamahalan nasaktan ba kayo" tanong ng tauhan namin. Oo nag eensayo kami.


" Opo pero ayos lang ako hehehehe" sabi ko tsaka kami nagpatuloy ilang oras pa kami sa ganon ng dumating si Winter isa sa mga kaibigan ko na may gusto kay thor pero ang isa kunyari pa na ako ang gusto tsk upakan ko yun eh. 


" Bes napadaan ka" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin tsaka kami umupo sa may bench malapit dito sa lugar namin.


" Bes alam mo bang malapit na ang birthday ng prinsesa" sino namang prinsesa yun. Si Yna ba tsk ang alam kong nag birthday na siya eh.


" Sino? Si Yna the feelingera na naman ba" arghh kainis kaya yun kung makalapit kay kuya akala mo linta. 


"Hinde ah dimo ba nabalitaan sa kuya mo na nakita na ang prinsesa yung tunay ha" napa ngiti naman ako sa sinabi niya. Sana naman mabait yundi tulad ni Yna. 


"Paano mo nalaman. Buti ka pa alam mo samantalang ako hinde" naka pout na sabi ko sa kanya siya naman ay tumawa lang.


" Nandyan na kaya ang kuya mo at kasama ang lalaking may gusto sayo" malungkot na sabi niya. Alam kong si thor ang sinasabi niya. Hayss kung alam mo lang bes yung baliw kasing iyon napaka arte pa eh.


" Sila lang dalawa" tanong ko.


"Hmm dumaan si thor para daw makita ka niya" palusot nang lalaking yun bulok eh. Halata naman na hindi ako ang pinunta niya. " Tara tingnan natin" 


" Oh ayan na pala sila" masayang sabi ko tsaka kumaway kina kuya na laging naka simangot samantala yung isa tuwang tuwa.  " Kuya dito" sigaw ko sa kanila.


" Hey there princess" bati sa akin ni thor,inirapan ko lang siya.


" Batiin mo rin si Winter hindi lang naman ako ang nandito engot" inis na sabi ko sa kanya. Bigla siyang nag iwas ng tingin.


" Ah oo n-ga pala. K-amusta winter" utal na sabi niya napa iling na lang ako sa kanya.


" Ayos lang" sabi ni winter tsaka nag iwas ng tingin. Sorry bes nang dahil sa mokong at sa akin nalulungkot ka. Kainis naman kasi si thor eh.


" Kuya totoo bang nakita na ang prinsesa ibig kong sabihin yung tunay na prinsesa" tumango lang siya sa akin na hindi naman nakita ni thor kaya ang lakas ng loob magsalita.


" Yes my princess. Nakita na namin siya, alam mo bang ang bait niya tapos ang cute pa niya at tsaka alam mo bang nakakatuwa siyang kasama. Halos kabaligtaran siya ni Yna tapos tapos hahahhaha grabe ang ganda niya  at ang sexy niya, gusto-aray" umangal siya sa ginawa ni kuya. Hmm I smell something fishy kahit walang isada hahahaha.

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon