Princess Autumn's POV
Pang-apat na araw na namin sa lugar na ito pero di pa rin namin nakikita ang sagradong talon. Nalipas ang oras at sa tingin ko ay dalawang araw na ang nakakalipas kung nasa aming mundo kami pero dahil nandito kami ay apat na araw na kami dito.
"Nakalimutan kong itanong kung bakit hindi sumama si Dark?" tanong ni Thor kaya nagka tinginan naman kami.
"Di ko rin yun napansin ah" sabi naman ni Zion at ganon din ang iba. Sa pagkakaalam ko ay nasa palasyo siya nina Mira.
" Ah nagpaiwan siya, ang sabi niya ay sasamahan raw niya sina Summer. Diba Autumn?" napa tingin ako kay Winter ng magsalita siya.
" Alam kong nasa palasyo siya pero di ko naman alam na ganun sinabi niya" sabi ko baka naman kasi sa kanya lang sinabi.
"Ay oo nga pala mas nauna kang pumasok sa portal kaysa sa akin kaya di mona nakita" tumango na lang kami pero pansin ko ang pananahimik ni Fire. Sinenyasan ko si Thor na kulbitin siya.
" Huy Aiden ayus ka lang"
"Hmm-mm"
" Bakit ang tahimik mo?" sabi ni Thor sa kanya.
"Dahil nag-iisip ako"
"Sino naman iniisip mo, si Mira"
"Malamang alangan naman ikaw diba tsk" natawa na lang kami. "Marami pa akong iniisip bukod sa kanya pero di ko naisip na isali ka sa mga yun, dahil ang iniisip ko lang ay ang mga importanteng bagay"
"Ibig mong sabihin na wala akong kwenta?"
"Wala akong sinabi, ikaw ang nagsabi nun" naka ngising sabi ni Aiden. " Kainis naman kasi bakit di natin makita ang sagradong talon na yun. Baka kung anong mangyari sa kanya kapag nagtagal pa tayo dito" ramdam ko ang pag-aalala sa kanya.
"Teka tingnan niyo yun" napa tingin kami sa tinuturo ni Zion at doon namin nakita ang mahiwagang talon na medyo malayo pa sa amin. Sa tingin ko ay makikita lang ito kapag may bahaghari. Kakatapos lang umulan kanina kaya naman may bahaghari.
" Ang layo pa" sabi ni Thor.
"Tsk walang malayo para sa akin kung buhay ng mahal ko ang nakasalalay, tara na" nauna siyang naglakad kaya sumunod kami. Habang naglalakad ay dahang dahang paglaho ng bahaghari.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...