Princess Mira Oceania's POV
Kahit paano ay nawala sa isip ko yung nangyari kanina. Nag sorry na rin Season na pinatawad ko naman agad, nagkataon lang na nasasaktan pa rin ako kapag pumapasok sa isip ko yun. Akin lang siya noh at walang may karapatan sa labi niya kundi ako lang. Baliw na yata ako para na akong possessive lah di ako ganun noh.
" Bunso naman" reklamo nung tatlo. Di naman ako galit gusto ko lang silang pag tripan. Nabalitaan ko kasi kay Kuya Mics na sinugod nila si Fire, alam ko naman na nag aalala lang sila pero alam ko naman na maayus namin ito. Nakakatakot lang kasi baka matulad siya kay Symon.
" Bunso tara na ang sabi may kasiyahan daw na nagaganap" sabi ni Kuya Mics at di maka tingin sa akin ng deretso ganun din si Kuya Charles. Hmmm.
" Di lang naman kami ang bumanat sa kanya kundi pati silang dalawa. Mas malala pa nga sila eh" sabi ni Kuya Kevin.
" Oo nga nung tinawag ko si Charles eh tinadyakan niya si Aiden" sagot ni Khian.
" Oy di yan totoo ah"
" Oo tapos si Mics sinuntok siya sa sikmura diba" sagot naman ni Kuya Kenneth.
" Mas lalong di yan totoo" angal naman ni Kuya Mics.
" Unfair ka naman eh, sabi mo pack one pack all" napa tingin naman ako sa dalawa.
" Wala naman kaming ginawang masama" sabi pa ni Kuya Charles.
" Oo nga tsaka tara na may pagtitipon sa labas eh" ngumisi naman ako sa kanilang dalawa.
Khian's POV
Ampucha kahiya naman ito. Kita na tumitingin sa amin ang iba na madaraanan namin. Nakakahiya talaga, ikaw namang maglakad ng naka short lang tapos walang pang itaas at may nakasulat pa sa katawan.
" Bilisan mo nga Khian" reklamo ni Mics.
" Paano ko bibilisan kung kaunti lang ang agwat nang mga tali natin, ano gusto mo saktan ko sarili ko" sabi ko agad.
" Wag kang feelingero nasa huli ka at masasaktan ka kapag babagal bagal ka" rinig kong sabi ni Charles.
" Hala anong nangyari sa inyo" natigilan ako kaya napa tigil din sila sa paglalakad. Napa tingin ako sa likod namin at tangina bakit sa dami dami na pwedeng makakita sa amin siya pa.
" Ikaw pala Safira, nakita mo ba si Aiden?" tanong ni Kenneth.
" Oo halos nandon kami sa may gitna kasama ang mga pinuno Kuya Kenneth"
" Ah sige salamat"
" Bakit mo nga pala natanong" sabi niya at sasagot na sana si Kenneth ng umimik ako.
" Wala wala sige una na kami. Bachi na" sabi ko pa.
" Teka"
" Ano ba!" sigaw ko at tila nagulat siya pero halata mo naman na natatawa pa din.
" Nasaan si Mira?" tanong niya sa amin.
" Ayaw niyang lumabas dahil ayaw niyang makita ang kuya mong ugok. Bachi na" hinampas ko pa ang likod ni Mics dahilan para mapadaing siya.
" Teka" tangina naman nakakahiya na eh.
" Ano ano bilisan mo" inis na sabi ko sa kanya, lumapit siya tsaka hinawakan ang balikat ko.
" Bagay sa inyo lalo na sayo hahaha" sabi niya bago kumaripas ng takbo.
" Gwapo pa rin ako!" sigaw ko. Naglakad ulit kami hanggang sa matanaw namin ang iba.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasiaMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...