Mira Oceania POV
Nandito ulit ako sa magandang lugar pero di ko makita si Blue o di kaya si Ate. Saan ba ang lugar na ito? Tulog na naman ba ako, panaginip ba ito. Di ko alam pero may naaninag akong dalawang tao at namumukhaan ko sila at doon ko nakita si yelo at si apoy na nag uusap, sinubukan kong lumapit pero di ako makalapit at parang di nila ako nakikita.
" May gusto kana ba sa kanya?" rinig kong sabi ni Ice kay apoy. Sino naman kaya tinutukoy neto.
" Hindi ko siya gusto" deretsong sabi ni Apoy. " Alam mo naman kung sinong babae ang nag iisang minahal ko" sino kaya ang pinag uusapan nila.
" Mahal mo pa rin si Allysa?" natatakot ako sa isasagot ni Apoy. Mahal niya pa kaya si Allysa.
" Oo siya pa rin talaga" bigla na lang nagbagsakan ang luha ko dahil sa sagot ni apoy. Alam ko naman na panaginip lang yun pero bakit nasasaktan ako sa panaginip ko kasi parang totoo eh.
"Eh paano si Prinsesa Mira?" biglang tanong ni yelo sa kanya. Pinupunansan ko ang luha ko pero diko mapunasan. Anong nangyayari bakit diko mapunasan ang luha ko.
"Anong paano siya?"
"Ang sabi mo dimo siya gusto, pero ano yung mga pinapakita mo sa kanya. Yung paghawak mo sa kamay niya, yung pagyakap mo sa kanya, pagtatanggol mo sa kanya at yung pag-iyak mo sa kanya" oo nga ano nga ba yun pero yung ibang prinsipe ay ganun din naman sa akin kaya sigurado ako na wala lang yun sa kanya.
"Di ko alam"
" Baliw ka ba. Di mo gusto pero nagpapakita ka ng motibo. Sala ang ginagaawa mo Fire"
" Diko maiwasan eh"
"Tsk sigurado ka bang mahal mo pa si Allysa baka naman nahuhulog kana kay Prinsesa Mira"
"Alam mong ayaw ko sa mga katulad niyang makulit kaya impossible na mangyari yun" "Anong nakakatawa" so wala talaga siyang pag-asa na mahulog sa akin. Sino nga ba ang maiinlove sa tulad kong isip bata at makulit.
"Nakakatawa lang isipin na ayaw mo sa tulad niyang makulit pero di mo magawang magalit sa kanya sa halip ay natutuwa ka sa ginagawa niya at ayaw mo yun mawala"
" Ano bang sinasabi mo"
" Wala naman kasi napansin ko lang na kapag iniiwasan niya tayo at galit siya ay nagiging masyado kang mainitin ang ulo mo"
"Dati pa man ay ganun na ako"
" Pero hinde nung dumating ang Prinsesa sa buhay natin" "Ayaw mo ba talaga sa kanya. Maganda si Mira, mabait, matulungin, masayahin halos lahat ay nasa kanya na ata maliban sa pagiging antukin at masyadong makulit pero nakaka tuwa naman yung kakulitan niya"
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasíaMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...