Kabanata 42

145 9 5
                                    


Princess Mira Oceania's POV


Nakarating ako dito sa baba na malapit sa parang clinic tsaka ako iika ikang naglakad. Masakit ang mga narinig ko mula sa kanya. Pinagmukha niya akong tanga sa buong araw. Oo isang araw lang yun pero tagos na tagos sa puso ko. 


"Mira!Sandali Mira!!!" mas binilisan ko ang lakad ko kahit pa masakit ang mga katawan ko. Ngunit alam kong mabilis siya at bago pa ako makapag laho ay hinawakan niya sa braso at sinandal sa pader. " Hayaan mo naman akong magpaliwanag" malungkot na sabi niya pero di ko yun pinansin dahil baa madala na naman ako sa acting niya. Mahal niya parin pala si Allysa at ginawa niya yun dahil doon at yun din ang dahilan kung bakit muntik na akong mamatay.



" Diba...mahal mo siya at naiintindihan ko yun. Wala kanang kailangang ipaliwanag dahil narinig kona" 



" Pero di mo naman narinig lahat eh kaya-"



"At ayaw kong marinig ang mga kasinungalingan mo pero pwede pa rin naman tayo maging magkaibigan di naman-" 



"Ano ba!! Diba sabi mo mahal mo ako" sabi niya at tumingin sa akin. Naluha ako pero pinunasan ko yun ng mabilis at nag iwas ng tingin. "Diba mahal mo ako bakit ayaw akong pakinggan. Pakiusap magtiwala ka naman sa akin" dagdag pa niya.



"Hindi.....hindi kita mahal" nilakasan ko talaga ang loob ko para piliting sabihin yun. Nag iwas ako ng tingin nang tingnan niya ako. 



" Hinde!! Alam kong mahal mo ako at nasasaktan ka lang dahil sa narinig mo" sabi niya at yayakapin sana ako pero umiling ako. "Mira" parang manghihina ako sa pagtawag niya sa ngalan ko.



" Hindi kita..mahal" sabi ko pero umiling lang siya. Kapag nakita ko pa siyang ganyang luhaan sa harapan ko baka bawiin ko ang sinabi ko kaya kailangan ko tibayan.



"Hinde hinde nagsisinungaling ka lang. Tumingin ka sa mga mata ko at sabihing hindi mo na ako mahal" sabi niya kaya napa iling lang ako. "Nagsisinungaling ka, Kung di mo ako mahal di ka tuminingin sa mga mata ko at bigkasin ang iyong sinabi" sabi pa niya kaya kahit masakit ay tiningnan ko siya sa mata at doon pumatak ang mga luha ko. Siguro nga di tayo ang para sa isa't isa. 



" Akala ko....akala ko ikaw na ang mahal ko" umiiyak na sabi ko at ganun din siya pero nanatili kaming naka tingin sa mata ng isa't isa. " Akala ko ikaw ang mahal ko pero mali....dahil hanggang ngayon" napa tigil ako pinunasan ang luha ko at tumingin ng deretso sa mata niya. "Si Symon pa rin ang laman ng puso ko at di na ata magbabago yun. Fire....hindi kita mahal dahil wala nang mas hihigit sa kanya sa puso ko. I'm sorry" sabi ko at doon na tumulo ang luha niya at nasuntok ang pader na nasa gilid ko. 




Prince Fire Aiden's POV

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon