Princess Safira Jane's POV
Naglalakad lang kami patungo sa, saan nga ba kami patungo. Di pa namin napag uusapan yun dahil nagpahinga muna kami at sigurado akong malayo na ang narating namin at malayo na kami sa palasyo.
"Dito tayo magpa lipas ng gabi" napa tingin ako kay Michael nang ituro niya ang isang kweba.
" The hell Mics bakit naman diyan" pagrereklamo nang asungot na si Khian.
"Wag ka ngang maarte" singit ko dahilan para mapa tingin siya sa akin.
"Pag-iinarte ba yun" nakataas na kilay niyang sabi.
"Oo kami nga naturingang maharlika di nagrereklamo"
"Sus naunahan ko lang kayo sa pag rereklamo pero kung tutuusin mauuna ka pa atang magreklamo kung nagkataon"
" Anong sabi mo" kunot noong tanong ko. Ubod ng yabang ang lalaking 'to, kung hindi lamang siya tinuturing kapatid ni Mira ay naupakan kona sana siya.
" Wala ang sabi ko ang ganda mo"
"Tsk" pag singhal ko sa kanya.
"Tsk tsk tsk, like brother like sister" parang binabaeng sabi pa niya.
"Hoy bansot" napa tingin ako ng magsalita si Kuya. "Anong sinasabi mo diyan ah, wag mo ngang awayin yang kapatid ko"
"Anong bansot? Sinong bansot!" pagmamaktol ni Khian.
"Ikaw sino pa ba?" naka ngising sabi ni Kuya habang naka akbay kay Mira na tatawa tawa pa.
"Hoy di lang ako ang maliit dito ah, yan si Ice maliit pa nga sa akin" sabay turo kay Ice na inismiran lang siya. "Yang si Dark mas maliit pa din sa akin" sabay turo kay Dark na tatawa tawa pa tsaka naman siya ngumisi tsaka tumingin kay Mira, parang alam kona ang gagawin neto. "Hoy bunso bansot ka daw, papayag ka non. Nako po kung ako yun di ako makakapayag na sabihan akong bansot diba. Kung tutuusin bansot ka pa nga sa akin eh kaya ka niya tinatawag na mahal, tanda mo si mahal sa mundo ng tao diba maliit yun. Nako bunso kaya yun ang tawag niyan sayo kasi maliit ka din tulad ni mahal tanda mo yung nang aasar sayo tinatawag kang mahal kasi katulad ka daw niya" nagpipigil ng tawa yung iba dahil sa pang aasar ni Khian at sa tingin ko maniniwala si Mira.
" Mahal hindi-"
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...