Kabanata 13

328 12 0
                                    

Safira Jane POV 

" Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa okasyon na ito. Masaya ako dahil natagpuan na namin ang aming mahal na anak. Alam naman natin siguro ang nangyari sa ating mundo at yun ang labis kong ikinalulungkot dahil sa mismong araw na yun ay nawala ang aking unang anak at nawalay sa aking piling ang bunso kong anak pero gayunpaman pinagpapasalamat ko na dumating ang tinuturin kong anak na si Yna Angelic kaya naman bago ko ipakilala ang aking bunsong anak ay ipapakilala ko muna ang tumatayong panganay at ate nang bunso kong anak. Princess Yna Angelic" 


Kasabay nang pagkasabi nang pangalan ni Angelic ay ang palakpakan ng mga mage at pagbaba ni Angelic sa hagdan at todo ang kaway tsaka tumingin dito sa pwesto namin tsaka kumaway kay Kuya na nasa tabi ko lamang. 


" Sinabi ko na sayo summy, na ang huwaran mo talaga ay si Yna tingnan mo" tatawa tawang sabi ni Rain kay Summer kaya napa simangot naman si Summer.


" Epal ka talaga malay ko ba na ganyan ang kasuotan niyan" turo ni Summer kay Angelic at yung iba naman ay natatawa na syempre maliban sa mga seryoso pero ang naka agaw ng atensyon ko ay si Winter tingnan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko na kay thor siya naka tingin na tuwang tuwa.


" Alam mo Sum bagay kayong magtabi ni Yna para lalo kayong kuminang kaya lang sasakit ang aming mga mata" tatawang asar ni Thor kay Summer.


" Anong nakakatawa, wala naman diba ah basta sasabihin ko kay Oceania na maging mag kaibigan kami tsaka ang laki naman ng problema niyong dalawa basta kakaibiganin ko siya" sambit naman ni Summer.


" Di na kailangan kasi nasabi naman na namin" napa tingin kami kay Zion. " Gusto niya kasi na magkameron nang kaibigan kaya sinabi namin na kayo na lang" napa ngiti naman ako sa sinabi niya. 


"Pero Summy sa tingin ko talaga ay si Yna Angelic ang nararapat na kinakaibigan mo" sabi ulit ni Rain. 


" Oo tama si Anil hahaha pareho kayong maarte sa kasuotan hahahaha" utas na sabi ni Thor at nakipag apir pa kay Rain kaya lalo kaming napa tingin sa kanya at nagkatinginan kami nina Summer.


" Hoy Dritan" 


" Oh bakit tinatanggap mo na ba na ang huwaran mo ay si Yna at di si Oceania kasi dinaig niyo pa ang may kaarawan eh hahaha tapos pareho pa kayong mainitin ang ulo hahaha" tuloy lang sila sa pagtawa ni Zion at Rain.


" Bakit parang bumabalik ka sa dati" makahulugang sabi ni Autumn sa kanya pero deretso pa rin siya sa pagtawa.


"Anong dati" tatawa tawa pa niyang sabi.


" Yan! yung dating thor dritan, yung wagas sa pagtawa at pang aasar. Ha! anong anyare sayo at parang may nakain kang himala na nakapag pabalik sayo sa dati hahaha" natigil siya nang dahil sa sinabi ni Summer sa kanya. Napa ayos nang upo tsaka kami tiningnan isa isa.


" Hindi ah manood na nga tayo" bigla siyang tumahimik at sumeryoso. Tumingin kami kina kuya pero nagkibit balikat lang sila. 


" Simple lang talaga ang Prinsesa Summer tama sina Thor. Simple siya pero lumalabas ang angkin niyang ganda" napa tingin kami kay Dark ng sabihin niya yun.

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon