Halos lahat ng Prinsesa at Prinsipe ay handa na para sa seremonya. Nang bumukas ang pintuan ay pumasok na sila isa-isa kasama sina Khian, Mics,Alyana at Season para gawaran ng gantimpala. Lahat ng mga mage ay pumalakpak sa pagpasok ng mga ito habang nasa dulo ng bulwagan ay ang Inang Reyna at Amang Hari kasama ang ibang mga Hari at Reyna na nabibilang sa pitong disipulo.
"Naririto tayong lahat upang matunghayan ang pagbibigay ng karangalan sa mga munting bayanin ng ating mundo. Alam nating lahat na hindi lamang ito tungkol sa kanilang karangalan kundi ang seremonya na iyo ay patungkol rin sa kaarawan ng aming anak na panganay na si Prinsesa Mara at ang pagbabalik niya sa aming piling. Dito sa unahan ay inaanyayahan ko ang mga anak ng dati naming tagapagligtas."
"Yes! Ako 'yon!" Sigaw ni Khian dahilan para matawa ang mga mage sa loob ng palasyo. "Mics tayo iyon!"
"Manahimik ka nga,wala ka talagang hiya."Nauna nang umakyat si Mics papunta sa mga Hari na at nilagyan naman siya ng parang kwintas ng hari na puno ng gitno at may sinabit ito sa damit bago ito magbigay galang sa pamamagitan ng pagluhod ng isa tuhod sa sahig habang suporta naman ang isa pa. Lumapit na rin si Khian na siya rin namang ginawa rin ang ginawa ni Mics matapos siyang masabitan.
"Mga binibini na dating miyembro ng 12 Arcs hindi ba kayo pupunta rito sa harapan?" Nakangiting tanong ng Amang Hari dahilan para magkatinginan ang dalawa na may gulat na ekspresyon na lumingon-lingon pa sa likod.
"K-Kami po?" sabay na tanong ng dalawa.
"Malamang sino pa ba,"masungit na saad ni Prinsesa Yna na naghihintay na tawagin kasama ang iba pang maharlika.
"Oo kayo nga," saad naman ng Ina na siyang sumenyas sa dalawa na lumapit sa harapan.
"P-Pero sa inyo na po nanggaling na galing kami sa miyembro ng 12 Arcs kaya naman dapat hindi kami gantipalaan."Nakayukong saad ni Alyana.
"Tama po siya kamahalan dahil galing kami sa kalaban-"Natigilan si Season ng may humawak sa likod niya at gano'n rin naman kay Alyana na bahagya silang tinutulak pauna.
"Dali na! Hindi ba kayo nangangalay kasi ako nangangalay na. Dali na hindi naman na kayo kalaban kasi kung kalaban kayo sana hindi niyo kami tinulungan. Geez move on guys ang nakaraan ay nakaraan sa wikang ingles past is past kaya 'wag niyo ng problemahin ang mali niyo sa nakaraan kasi nakabawi naman kayo. Dali na pati ako na-istress sa inyo."
Nagtawanan ang mga mage sa loob ng palasyo kasama na ang mga estudyante.
"Tama siya kaya naman pumunta na kayo sa unahan," saad ni Prinsesa Mara. "Kukulitin lang kayo ni Mira at kapag nangyari 'yon hahantong lang tayo sa pagmamalaki niya na maganda siya." Napanguso si Mira dahilan para matawa ang iba.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...