Khian's POV
Fuck shet sino kaya yun, sino na naman ang binigay ni Stella. Arghh I hate being prisoned, gusto ko tuloy bumalik sa mundo ng mga tao pero dahil nandito yung madaldal na babaeng yun kaya magsstay ako.
"Bruha hindi ako yun dahil ako ang totoong Yna, pakawalan mo ako!" nagka tinginan kami ni Mics at napa tayo din siya.
"Hoy Stella sino yang dinala niyo!!" sigaw ko sa kanya at naka rinig naman kami ng malakas na tawanan.
"Khian, Mics kayo ba yan!" sigaw nang isang lalaki. "Ako ito si Prinsipe Dark!" sigaw pa niya sa amin.
"Oo kami nga!" sigaw ni Mics.
" Hahaha dahil alam niyo na kung sino ang kasama niyo mas mabuti pa siguro na magsama sama na kayo para di naman boring diba hahaha" sigaw ni Diana Alcina
" Ilipat ang dalawang yan!" sigaw ni Stella, ilang segundo lang ay pabatong pinasok yung dalawa sa kulungan namin. " Mula sa isang araw limitahan ang binibigay na pagkain upang sa ganon ay mamatay na sila, wag kayong mag-alala dahil baka sa susunod madagdagan kayo hahaha" nagka tinginan naman kaming apat.
"Tara na, ang sabi nang alagad natin ay nakabalik na sila sa palasyo" narinig namin ang mga yabag nila.
"Stella pakawalan niyo kami! Luciana pakawalan niyo kami mga bruha kayo!" sigaw ni Yna napa takip ako sa tenga.
" Walang magagawa yan" sabi ni Mics. Umupo siya kaya umupo din kami. " Paano kayo napunta dito halata namang Arcanean ang babaeng ito" napa tingin naman ako kay Mics.
"Hoy Mics bakit ang galing mong mag recognise nang mga Arcanean" sabi ko sa kanya.
"Dahil nakita ko na lahat ng Arcanean ay may gintong buhok sa likod at may tattoo na di basta makikita. Pinadala ako sa palasyo nila dati para mag espiya at nakita ko na magmula bata nilalagay na nila yun"
" Astig"
"Anong astig tanga muntik na akong mahuli" natawa naman sa amin yung dalawa.
" Oo isa sa kanila si Yna pero nagbago daw siya dahil kay Mira pero parang hindi naman"
"Hoy wag mo akong inisin ah" mataray na sabi ni Yna.
" Nahuli kami ng pesteng Thanatos na yun, di ko akalain na si Symon yun eh kayo"
"Nalinlang kami eh paano itong si Khian basta basta tumakbo sa gubat dahil akala niya nandon si bunso pero nang sasabihin kona sa kanya ay huli na dahil nahuli na kami"
"Di kayo lumaban"
"nakontrol kami agad"
" Edi ang tagal niyo na dito" sabi ni Yna kaya tumango lang kami.
" Teka kung hindi si Yna yung babaeng tinutukoy ni Stella eh sino yun?" tanong ko at napa buntong hininga silang dalawa kaya nagka tinginan kami ni Mics.
Princess Winter's POV
Habang papunta sa palasyo ng mga Archamage ay di ko maiwasang di mag-alala dahil alam kong lahat ng Reyna at Hari ng mga kaharian namin. Kinakabahan ako dahil baka paghiwalayin kami ni Thor lalo na magka away ang mga magulang namin. Alam kong magkaibigan na lang ang tingin niya ulit sa akin pero ayus na rin yun basta di niya ako iniiwasan.
"Anong iniisip?" napa tingin ako ng magsalita si Thor.
" Wala" pagsisinungaling ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...