Prince Brent Clay's POVNagulat kami ng makita si Mira. Nakita nga namin siya pero ang dami. Alin siya diyan.
" Mahal" tawag ni Aiden pero lahat sila ay nagsalita at lahat kami ay di mapakali dahil sino sa kanila ang totoong Mira.
"Mini minie mo sino ang kaya ang mamatay sa kanila. Yung tunay O yung huwad" pakantang sabi pa nung Arcanean.
" Alin diyan si Mira?" nag-aalalang tanong ni Summer maski kami ay naguguluhan. Labing apat lang kami kasama na si Mira pero ngayon dahil wala siya sa tabi namin ay labing tatlo na lang kami habang yung nakikita naming Mira ay labing-apat ibig sabihin may totoo sa kanila.
"Mahal" umiiyak na sabi nila pero lahat sila ay magkakatulad nang sinasabi. Parang alam ko na ang gagawin nang lapastangan na ito.
" Bibigyan ko kayo ng oras pumili, nasa inyo ang kapalaran ng magandang binibini na 'to" natatawang sabi nung lalaki at astang sasaktan siya ni Aiden pero bigla siyang nagsalita. " Tandaan niyo kapag nasaktan ako masasaktan din siya dahil nasa ilalim siya ng kapangyarihan ko" natigilan kaming lahat.
"Fuck you bastard!" sigaw ni Khian.
"Ano?" di maintindihan nung lalaki ang sinabi ni Khian maski kami ay di yun alam pero ang alam ko lang ay masamang salita yun galing sa mundo ng tao. " Sige ikaw ang mauuna, mayabang ka ah" hinanda ni Khian ang pana niya tsaka naglakad papunta sa gitna.
"Pag-isipan mo muna baka ang madali mo ay yung tunay na Mira" sabi ni Safira sa kanya pero ngumisi lang si Khian.
"Ang tunay na Mira kapag umiiyak ay walang mannerism. Tanggaling natin ang isa mokong!" sigaw pa ni Khian tsaka pinana yung Mira na nasa dulo at gulat kami ng basta basta yun na naglaho na parang abo ibig sabihin huwad yun. " Piece of cake, tanggalin ko na ba ang isa pa"
"Hep hindi pwede lapastangan, isa isa lang at may oras ang ibibigay"
Princess Safira Jane's POV
Paano namin makikilala si Mira kung lahat sila ay magkakatulad ang wangis. Kahit paano ay napa hanga ako sa ginawa ni Khian habang naka ngisi siyang bumalik sa tabi namin.
" Alalahanin niyo lang ang ugali ang mayroon si Mira nung araw na kasama niyo siya" sabi ni Mics bago sumunod. " Si Mira kapag umiiyak nagmumukhang cute pa rin pero mukhang monggoloid gaga!" sabi ni Mics bago pinatamaan ng mahika yung nasa pangalawa sa gitna.
"Nice" sabi pa ni Khian bago tumingin sa akin tsaka ngumisi. " Ikaw na sumbatera" kainis talaga siya kahit kailan. Lumakad ako sa unahan tsaka pinakita sa kanya na kaya ko rin. Tinutok ko ang palad ko sa pangatlo sa gilid at handa na sanang tirahin yun nang biglang magsalita si Kuya.
"Jane sandali" kunot noong sabi niya sa akin. "Pag-isipan mo muna" kinakabahang sabi niya kaya nakaramdam din ako nang ganon.
" Natatakot na ba ang mga Prinsipe at Prinsipe. Di ko napansin na may kasama kayong Arcanean" sabi pa nung lalaki titira na sana ako ng magsalita si Yna.
" Bakit hindi mo pa tapusin si Oceania" nagulat kami sa sinabi ni Yna. " Kung totoo kang Arcanean sana tinapos muna siya. Ang isang Arcanean ay walang ano ano ay pinapatay agad ang kalaban nila lalo na kung kailangan nila ito. Isa ka ngang Arcanean pero umalis ka na diba ....Season" gulat kaming tumingin kay Yna bago doon sa lalaki, season babae ba yun.
" Wag mong sabihin na isa siya doon sa umalis sa 12 Arcs, yung tinutukoy mong unang umalis. Akala ko ba babae yun?" tanong ni Dark sa kanya.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...