Princess Mira Oceania's POV
Pagbaba namin ni Fire ay bumungad sa amin ang iba. Nagtagpo ang paningin namin nila Winter kaya napatungo na lamang ako dahil sa kahihiyan. Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat dahil simula ng dumating ako ay unti-unting nabubuhay ang mga kalaban. Lumabas kami sa palasyo at nagtungo sa malaking field kung nasaan sina Ama at tanaw ko na agad na nahihirapan sila.
Nilabas ko ang mahika ko at ginawa itong bow and arrow bago ko ito tinira sa isang halimaw na binibasag ang harang. Lumampas ang palaso ko sa harang hanggang sa tumama ito sa ulo ng halimaw na may isang mata kaya napatingin sa akin ang iba pero napatungo na lang ako.
"Ang galing mo mahal." Ngumiti na lang ako kay Fire bago ulit kami nagsimulang lumapit sa kanila. May mga parteng nakakapasok ang ibang Arcanean kaya naman sinusugod nila kami. Pinalitan ko ang sandata ko at ginawa itong espada. Lumabas na rin ang mga guardian namin na siyang nakikipaglaban sa guardian ng mga Arcanean.
"Kailangan nating maghiwalay," saad ko pero umiling lang si Fire at mas lalong hinigpitan ang kapit sa aking kamay kaya napangiti ako. Nilalabanan namin ng sabay ang mga sumusugod sa amin. Sinaksak ko ang isang nilalang na nagtangka sa buhay ko.
"Hindi pwede!" sigaw niya sa akin kaya napanguso ako bago nagpatuloy sa pakikipaglaban. Nagtatagal ang laban namin at puro pagod na at may galos na rin ang iba habang ang mga Arcanean naman ay kapag namamatay bigla na lang ulit nabubuhay kaya nahihirapan kami. Hindi ako umiiyak pero nabubuhay sila siguro ay dahil nasa kanila na ang mga luha na may katas ng special elements.
"Nabubuhay pa rin sila!" sigaw ng isang estudyante na siyang sakay ng guardian niya. Napasinghap ako sa nakita ko at kusang tumulo ang luha habang nakatingin sa nakabulagta niyang katawan.
"Kamahalan, andami ng may galos. May mga namatay na rin lalo na ang mga estudyante!" sigaw ng isang kawal.
"Nasisira na ang harang! Humanda kayo!" sigaw ni Ate Mara kaya humanda kami. "Ilapat niyo lahat ng mga palad niyo sa harang at ibigay ang mahika dito!" Ginawa namin ang sinabi niya. Kita ko mula rito ang pagngisi ni Aida sa akin kaya nangilabot ang buo kong katawan.
Third Person's POV
Nahihirapan na ang mga mage sa pagpigil para lang hindi masira ang harang hanggang sa tuluyan na itong nasira kaya sumugod na ng tuluyan ang mga Arcanean sa kanila. Pagod na pagod na sila kaya naman hindi sila gano'n nakalaban dahil na rin sa lakas ng pwersa.
"Mamatay na kayong lahat!" sigaw ni Aida na tumawa pa ng malakas. "Katapusan niyo na!"Hindi sila sumuko at kinalaban nila ang mga ito hanggang sa sinugod ni Luciana at Tyler si Aiden.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasiMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...