Mira Oceania POV
Nagising ako sa di ko malaman na dahilan siguro dahil namamahay ako. Wow ha ngayon pa ako namamahay eh nakatulog na ako dito. Dahil hindi ako mapakali sumilip ako sa bintana. Just wow gabi pa pala hayss.
Bumaba ako para tumingin ng pagkain wala kasi ako magawa pero hindi naman ako nagugutom at tsaka wala naman akong sinabing kakain ako diba titingin lang ako. Pagbaba ko nakita ko sina Manang Celly na naghuhugas ng pinggan so tuwing gabi pala si naghuhugas. Lumapit ako sa kanila nagulat naman sila.
" Manang tulungan kona po kayo" lalo silang nagulat at mabilis na umiling.
" Kamahalan huwag na po at tsaka isa mo sa pinagbabawal na tumulong ang mga Maharlika sa ganito" unfair naman nun kung sabagay iba iba talaga kung sa mundo nga ng tao maliit ang turin sa mga mahihirap diba. Pero dahil sa masunurin akong bata kinuha ko yung pinggan.
" Ako na po dito. Huwag po kayo mag alala dahil sanay ako sa ganito at kung inaalala niyo na may makakita na iba wag po dahil tulog na po sila kaya pumayag na kayo" wala nanag nagawa si Manag Celly at yung isa pang katulong niya sa paghuhugas.
" Mahal na Prinsesa kayo na lang po ang magtuyo ako na-" pinutol kona yung kasama ni Manang.
" Matulog na po kayo ni Manang Celly ako na bahala dito. Huwag niyo na subukan umangal sige kayo sasabihin ko na pinatulong niyo ako kaya sige na matulog na kayo" sabi ko hahaha wala naman na silang nagawa kaya pumunta na sila sa tinutuluyan nila. Naghuhugas lang ako habang kumakanta ng mahina.
" Anong ginagawa mo diyan" dahil sa gulat ko sa nagsalita sa likod ko nadali ko yung isang pinggan. Naknang paktay na ako neto. Hala bakit lumlutang yung pinggan. " Isa sa patakaran na bawal tumulong ang mga Prinsesa at Prinsipe sa ganitong gawain" sino ba naman yun. inis ko siyang tiningnan at nakita ko si Fire tsk binalik ko na lang ang tingin ko sa pinggan.
" Sa wala akong magawa eh kaya naghugas ako ng pinggan--" ay bastos hindi pa ako tapos magsalita nagsalita na siya agad.
" Matulog kana bago pa may makakita sa iyo at tsaka bakit ka hinayaan na maghugas diyan. Ipaalam ko ito sa kamahalan" sinamaan ko lang siya ng tingin sumbungero.
" Edi sabihin mo at tsaka ako ang nagkusa na maghugas kasi nakita ko si Manang na nahihirapan na. Go isumbong mona ako kay Ina tutal wala kang pake kay Manang Celly" act muna tayo ngayon. Konsensiyahin natin ang prinsipe hahaha.
" Okay tulungan na kita jan" nabigla ako sa sinabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.
" Huwag na hindi ka naman maalam" sabi ko sa kanya pero kumuha siyang ng apron naks arte ng prinsipe ah hahaha.
" Kaya nga nandyan ka para turuan ako at tsaka kung hindi mo ako papatulungin sasabihin na talaga kita sa Reyna, ikaw din kung wala kang awa kay MANANG CELLY para madamay siya sa parusa" sabi niya na naka ngisi pa kaya wala na akong nagawa baka mapahamak pa sila manang eh. Tuturuan kona dapat siya ng bigla niya akong lagyan ng apron at parang niyayakap ako este itatali yung apron.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...