Kabanata 30

194 12 0
                                    


Bagong simula....


Dark Blaze's POV

Tiningnan ko lang siya habang tinitingnan niya ang buong lugar. Malungkot akong napapangiti dahil sa inaasal niya. Kumuha ako ng pagkain habang tinitignan din ang paligid.


"Paradise!!!" natawa naman ako ng sumigaw siya. " Blaze ang ganda dito kasing ganda ko eh noh" ngumiti naman ako tsaka tumango sa kanya. Ilang beses din kaming namasyal sa lugar na ito. Patawarin mo ako Mira dahil hindi ko na kayanag itago ang nararamdaman ko para sayo.  


"Alam ko na mahilig ka sa mga bulaklak kaya naisipan ko na dito kita dalhin" bumuntong hininga muna ako. " Dito ako pumupunta kapag nalulungkot ako" sabi ko kaya taka siyang tumingin sa akin.


"Bakit malungkot ka ba?" mabilis akong umiling sa kanya.


"Hinde, gusto lang kitang dalhin dito" pilit ang ngiting sabi ko sa kanya. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya. Naglakad pa kami habang tumitingin siya sa mga bulaklak.


" Pwede ba akong kumuha, masasaktan kaya sila?" naka ngusong sabi niya kaya ginulo ko ang buhok niya. 


" Hindi sila nagsasalita, ordinaryong bulaklak lang sila Mira kaya pwede kang kumuha"  kinuha ko ang basket na malapit sa amin. " Tara maglibot tayo, marami pa doong ibang klase ng bulaklak" tumango naman siya kaya pumunta kami doon sa maraming bulaklak. Tinitingnan ko lang siya. 


"Blaze bagay ba sa akin?" napa ngiti naman ako dahil hindi lang siya maganda kundi magandang maganda pa "Gusto ko sanang lagyan ang damit ko kaso di ko alam kung paano" sabi niya. Ngumisi naman ako tsaka kinontrol yung mga bulaklak at yung pandikit sa damit na sinadya kong dalhin.


" Tayo ka lang diyan" kumunot noo naman siya habang tumatango at tila nagulat siya sa ginawa ko. "Ikot ka" sinunod naman niya kaya napuno ng mga bulaklak ang damit niya at nang matapos ako ay kumuha ako ng bulaklak at inilagay sa gilid ng tenga niya. "Yan lalo kang gumanda" sabi ko tsaka pinisil ang pisnge niya.


"Salamat Blaze" sabi niya tsaka ako hinila habang umiikot kami sa paligid ng bulaklak. Natatawa na lang ako dahil sa inaasta niya.


Bumalik kami sa pwesto namin dahil gusto niyang gumawa kami ng mga bulaklak. Bouquet of Flowers daw yun. Dalawa ang ginawa ko dahil isa sa kanya kahit hindi siya magustuhan at ang isa ay di ko alam kung saan ko ibibigay. Ni hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at dalawa ang ginawa ko.



Mira Oceania POV

Ang ganda talaga dito. Nakaka relax ang paligid dahil sa ganda ng lugar. Napa nguso ako kay blaze ng makitang nakadalawa agad siya ng bouquet of flowers agad siya, eh ako nga walang magawa kahit isa.


"Hahaha bakit ka naka nguso diyan" lalo ako napa nguso tsaka tumingin sa bulaklak niya at doon sa ginagawa ko. Natawa naman siya dahil sa inasal ko. " Para sayo kamahalan" ngumiti naman ako sa kanya at kinuha yung magandang bulaklak na ibinigay niya sa akin. 

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon