Kabanata 40

172 9 0
                                    


Prince Zion's POV

Nang matapos ang unang labanan namin ay hinanap namin sina Aiden. Saan ba kasi pumunta ang dalawang yun. Halos lahat ay nakatayo na dahil umaalis na sila ng agri. Napa tingin kami sa sumigaw at yun nakita namin si Fire na nakataas ang kamay sa may dulo. Pinahirapan pa kaming maghanap. 


"Pahirap ang isang 'to yun lang pala sila" sabi ni Thor at naunang maglakad. Sumunod na kami sa kanya. 



" Ang galing talaga natin" bigkas ni Summy habang naglalakad kami papunta kina Fire. 



" Naman" sabi naman ni Rain pero inirapan lang siya ni Summy. Nagugutom na ako at sa tingin ko ganun din ang mga kasama namin. Nang makarating kami sa kanila at tumayo na rin silang dalawa. 



"Ang galing niyo naman" masayang sabi ni Mira kaya nagpasalamat naman kami " Tara na gutom na ako" sabi niya kaya natawa naman kami. 



" Ang tagal niyo"reklamo ni Aiden sa amin kaya napa tingin kami sa kanya, seryoso niya pero naka ngiti siya sa amin. Anong meron dito.



" Anong meron ka ngayon, parang di ka naman galit eh bagkus para kang masaya" malokong sabi ni Thor at saka nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Mira pero kita ko ang biglaang pagkawala ng ngiti niya ng magsalita si Blaze at tawagin si Mira.



"Bakit?" naka ngiting tanong ni Mira kay Blaze pero kita namin na siniko siya ni Fire at sinamaan ng tingin. Ano na kayang lagay ng dalawang ito. 



" Naalala mo yung binigay mo sa aking liriko ng binubuo mong kanta?" naka ngiting tanong ni Dark at tumango naman si Mira. May kinuha si Dark na pirasong papel at inabot kay Mira "Yan na yung tulong ko sayo, malalapatan mo na yun ng tono. Mabilis ko lang nabuo yan dahil tanda mo nung umalis tayo ay tulad nang sabi mo sa akin ay pareho tayo ng pinagdadaanan kaya madali kong nabuo yan" nagulat kami ng yakapin ni Mira si Dark habang naka ngiti. Nagka tinginan lang kami tsaka sabay sabay na napa tingin kay Aiden na naka kunot na ang noo. 



" Sarap Blaze, di mo alam na malaking tulong yung nagawa mo sa akin. Ginawa mo na nga ako ng gitara tapos tinulungan mo pa ako.Maraming Salamat Blaze" niyakap din naman siya ni Dark habang naka ngiti. 



"Ikaw ang naging liwanag ko habang nasa ilalim at nalulumbay. Yung mga ngiti mo ang nagbibigay ng liwanag sa sarili ko. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka Mira" sabi niya tsaka hinalikan si Mira sa noo. "Gusto ko kapag kinanta mo yan ako una makakarinig ah" sabi ni Dark tsaka humiwalay kay Mira.



"Hmm syempre naman sisiguraduhin ka na hindi ka magsisisi" naka ngiting sabi ni Mira. Napa tingin kami ng tumalikod si Aiden dahilan para mapa tingin din kami sa kanya. 

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon