Malumo at Kuripot
Mira Oceania POV
Nakatayo kaming dalawa ni Blaze dito sa likod ng room namin habang nagdidiscuss yung migser namin sa unahan. Aishh nangangalay na ako dito. Nakatayo kami dito hanggang matapos ang klase tapos maglilinis pa kami ng library nang walang kainan. Ang daya nga eh, yung pesteng allysa di naparusahan kesyo hindi raw siya gumamit ng mahika, dapat hindi rin ako kasama kaso utang ko naman ang aking buhay kay blaze wow buhay talaga ah .
"Wag kanang malungkot" napa tingin naman ako kay Blaze habang may hawak ng mga libro. Isa pa tong libro na ito eh kabigat bigat. Natawa naman ako ng mahina nang nag make face siya. "Ayan dapat lagi kang naka ngiti" ngumiti naman ako tsaka nag make face din dahilan para matawa siya.
"Demone Viodshadow and Desiderare Harrisson, anong nakaka tawa diyan sa may likuran" nagka tinginan naman kami ni Dark at pigil ang tawa naming dalawa.
"Wala po Migser" sabay na sabi namin ni Blaze. Napa tingin kami sa ibang prinsesa at prinsipe at pati sila ay nagtataka.
" Kahit naka tayo kayo diyan, makinig pa rin kayo at wag kayong tumawa ng tumawa" sabi niya kaya tumango na lang kami. Lumapit naman sa akin si Blaze at bumulong.
"Laban tayo kung sino matalo siya ang magpapatawa" sabi niya tsaka pinatong lahat ng libro sa kabilang kamay at umasta ng jack en poy kaya naman humanda na rin ako pero sa huli na talo ako. "Oh ipakita mo nga sa akin ang malungkot na pusa" natatawang sabi niya kaya naman nag isip muna ako ng mukha tsaka ako tumingin sa kanya.
"Huhuhu pinaiyak mo ako meow!" natawa naman siya ng mahina sa acting ko. Ginulo niya ang buhok.
" Hahaha kailan pa nagsimulang magsalita ang pusa" natatawang sabi niya sa akin. Napa simangot naman ako at nagsimula na kaming mag jack en poy at natalo na naman ako kaya pigil ang tawa niya.
" Pusang galit" sabi niya kaya tumingin ako sa gilid ko tsaka mabilis na tumingin sa kanya na naka kunot ang noo at tumatawa naman siya ng mahina.
"Mira at Dark ano ba yang ginagawa niyo diyan sa likod at napaka ingay niyo tsaka ano yang itsura mo Mira para kang asong galit" napa tingin ako sa paligid ng lahat sila naka tingin sa amin na tatawa tawa pa. Ngumiti naman ako ng pilit samantalang ito si Dark pigil ang tawa habang ang iba naman ay nagtataka pa rin sa amin.
" Migser po yun asong galit" sabi ko na ikinakunot ng noo niya samantalang ang iba kong kaklase na nagpipigil ng tawa.
" Oh eh ano tawag mo doon ha!"
"Pusang galit po yun meow" natawa naman ang mga kaklase ko nang umacting ako ng pusa sa harap ni Migser. Pinaka malakas na tawa ay kay Thor at Dark.
" Puro kayo kalokohan, makinig kayo sa tinuturo ko"
"Opo" maiksi kong sagot, napa tingin ako kay Dark na nagpipigil ng tawa, sige tawa pa mautas ka sana hahaha. Nag jack en poy na ulit kaming dalawa at siya naman itong natalo.
"Pusang umiiyak" sabi ko at ginawa naman niya at lihim akong natawa. Natalo ulit siya kaya nag isip ako ng maganda "Hmm pusang naliligaw tapos biglang magiging masaya tapos biglang iiyak" naka ngisi kong sabi at ngumuso naman ang mokong.
"Ang hirap" sabi niya kaya napa nguso naman ako "Sige na nga wag mo akong tatawanan ah" tumango na lang ako pero nang magsimula siya ay natawa na talaga ako.
"Blaze nagugutom na ako" naka simangot na sabi ko pero tumawa lang siya ng mahina.
"Konting tiis pa" naka ngiting sabi niya sa akin pero umiling lang ako at hinimas himas ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasíaMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...