Prince Fire Aiden's POV
Di ako mapakali pagtapos nung nangyari, kainis naman kasi. Akala ko talaga ay si Sipon yung sinasabihan niya. Habang maaga pa ay mabilis akong naglakad papunta sa dormitoryo nila Jane. Pinakiramdaman ko muna kung nasa salas sila at nang wala akong maramdaman ay naglaho na ako papunta sa kwarto niya. Nakita ko siya na mahimbing na natutulog.
Prinsesa ko
Dahil di ko napigilan ang sarili ko ay yinakap ko siya at di ko namalayan na naka tulog na pala ako, pakiramdam ko ay maayos ang tulog ko kahit maaga pa lang. Syempre di ako aka tulog kagabi.
"Hmm" napa tingin ako ng dumaing siya kaya niyakap ko pa siya lalo at hinalikan sa pisnge.
"Patawarin mo na ako mahal" malambing na sabi ko habang pinapanuod siya. " Bakit ba kasi ayaw mo na lang sabihin na mahal mo ako para di na ako magselos sa sipon na yun.Kainis naman oh" bulong ko pa rin kahit alam ko na tulog pa rin siya. Nagulat ako ng umikot siya dahilan para mapaharap siya sa akin.
"Saranghae!" nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Saranghae? Anong kataga yun?" tanong ko pero di siya umimik pero naka ngiti pa rin. " Ano yung saranghae?" nagkibit balikat siya. Napa isip naman ako.
"Saranghaeyo Apoy" naka ngiti na namang bulong niya at ako ay di maipinta ang mukha kung ano ba ang ibig sabihin nun.
" Ano ba kasi ang ibig sabihin nun" napa isip na naman ako. " Pinapatawad mona ba ako. Yun ba ang ibig sabihin nun?" tanong ko sa kanya dahilan para matawa siya. Tatayo na sana siya ng yakapin ko pa siya ng mahigpit.
" Ano ba fire umalis kana nga, babalik na tayo sa palasyo dahil sa kasal mo!" selos lang 'to dahil doon.
" Wala doon ang pakakasalan ko kundi nandito. Mahal na mahal kita Mira kaya patawarin mona ako" sabi ko sa kanya kaya ngumiti naman siya.
"Nado Saranghaeyo" naka ngiting sabi niya sa akin kaya lalo akong naguluhan. Ngayon may kasmaa nang nado, ano ba kasi yun. " Bogosipeo" sabi niya bago sapilitang inalis ang braso ko at mabilis na tumakbo sa banyo. Kunot noo akong tumayo para pumunta sa harap ng banyo.
"Mira hintayin mo ako, babalik lang ako sa dormitoryo!" sabi ko sa kanya na mabilis naman niyang tinanguan. Sa halip na sa dormitoryo ko ako magpunta ay nagpunta ako sa dormitoryo nina tanda at dritan. Pagpasok ko ay nandon na lahat sila.
" Anong meron diyan sa noo mo hahahaha" pang aasar ni Rain kaya sinaman ko lang siya ng tingin bago naupo sa upuan.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...