Prince Fire Aiden's POV
Naka higa lamang si Mira sa parang mahabang lamesa habang hawak-hawak ko ang kanyang mga malalamig na kamay. Nararamdaman kong natatakot siya sa mangyayari at maski naman ako ay natatakot rin.
Umalis ang iba dahil pinakuha ni Nimpa ang katawan ng kapatid ni Mira dahil sabi niya na kaluluwa lamang nito ang nasa katauhan ni Mira at hindi ang kanyang katawan, siya ang sinaunang diwata ng kagubatan at magaling siya sa Runes Magic. Malawak ang tahanan niyang ito at nakikita ko na marami talagang nakapaligid na libro sa amin.
"Mahal." Napa tingin ako kay Mira ng tawagin niya ako. "Natatakot ako," mahinang sabi niya kaya naman ngumiti muna ako sa kanya.
" 'Wag kang matakot, nandito lang ako sa tabi mo hmm." Tumango naman siya sa akin. " Hindi kita pababayaan," sambit ko bago halikan ang kamay niya. Nakasuot na siya ng puting bistida maski ang mga paa niya ay may nakatali na puting laso.
Maya-maya pa ay dumating na ang iba dala ang katawan ng unang prinsesa ng archamage. Hindi na ako magtataka kung hindi pa ito naglalaho na parang abo, alam naming may nilagay na kung ano si Nimpa sa katawan niya kaya naman napaka dalisay pa rin ng katawan nito pero ang katawan niya ay nasa batang kaanyuan lamang.
"Saan po namin siya ilalagay?" tanong ni Rain sa kanya. Dahil may ginagawa si Nimpa ay ako na ang sumagot.
"Dito ata," wika ko bago tinuro iyong kanang bahagi ni Mira. Isang bata lamang nagtulong-tulong pa si Thor, Khian at Rain.
Mga baliw talaga.
" Dahil mabigat siya kahit na bata ang katawan niya." Napa tingin ako kay Mics ng magsalita ito sa tabi ko kaya naman nakinig rin ang iba. " Para siyang bangkay dahil sa bigat pero sa unang tingin ay aakalain mo na simpleng bata lamang siya pero hindi." Napa tango na lamang ako sa kanya habang tinitingnan 'yong tatlo. Ilalapag na sana nina Khian si Prinsesa Mara ng nagsalita si Nimpa.
" Sinabi ko ba na riyan niyo siya ilalagay." Nagka tinginan naman kaming apat tsaka sumama ang tingin nila sa akin kaya nagkibit balikat lamang ako.
"Saan po ba?" tanong ni Thor sa kanya habang bumabalik sila sa may parte ng pintuan pero napa tigil rin.
"Diyan nga siya ilalagay." Napasapo ako ng aking noo dahil sa sinambit ni Nimpa. Halos mabitawan na ng tatlo ang katawan mabuti na lamang at nagamitan ni Dark at Yna ng mahika. "Ilapag niyo na riyan tsaka kayo umalis," dagdag pa niya na hindi man lang kami nililingon.
"Nimpa," sambit ni Mira noong astang lalapit na sana ako sa kanya pero tumigil muna ako sa kung nasaan ako para hayaan muna na magsalita si Mira. " Wala na bang ibang solusyon?" naka nguso niyang tanong, kahit gusto kong matawa ay hindi ko magawa dahil alam kong nababahala siya.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...