Kabanata 84

106 5 0
                                    

A/N: Chos lang guys ang eklabush na sinulat ko na 'huling yugto'. Hindi pa talaga tapos ito pero malapit na siya.




Safira Jane's POV

Napatingin kami ng dumaan sa harap namin si Kuya kaya dali-dali kaming humarang sa kanya. Nakatingin lamang siya sa amin.





"A-Aiden,"tawag ng dalawa sa kanya pero tinaasan niya lamang ito ng kilay.





"Marami pa akong tatapusin kaya kung walang kwenta ang sasabihin niyo ay umalis kayo sa harap ko dahil nasusura ako sa pagmumukha niyo," deretsong sabi niyo na nakatingin sa dalawa.





"Sumabay ka na sa amin kumain,"yakag ni Ice.





"Oo nga naman Aiden, para namang hindi kaibigan,"saad ni Zion tsaka tumawa pero ngumisi lang si Kuya.





"Kayong tatlo?Kaibigan?Ha?Patawa ba kayo?" turo nito kay Win,Summy at Khian. "Humanap kayo ng kaibigan na masisisi niyo pagdating ng araw. Sigurado akong matatagpuan niyo ang isa't-isa kasama ako dahil kung ano ang ginawa niyo sa kanya ay mas malala kong ipaparanas sa inyo,"



"H-Hindi naman namin sinasadya, nandoon-"





"Tama!Summy, Nandoon tayo mismo at nandoon siya ng mamatay si Safira dahil kay Tyler pero anong ginawa niyong tatlo pinamukha niyo na kasalanan niya at wala siyang kwenta at sana siya na lang 'di ba. Ha? Ginawa niya ang lahat para mabuhay ang kapatid ko, naubos ang luha na natitira sa kanya dahil sa mga sinabi niyo. Pasalamat na lang tayo at naubos niya iyon habang sinisisi ang sarili habang nakahiga ang kapatid ko tss,"





"'Wag ka naman magsalita na parang namatay si-"





"Namatay siya pero dahil sa luha ko na pumatak sa dalawang kwintas ay nabuhay siya. Buhay siya tangina pero nasaan siya mahimbing pa rin ang tulog at mawawala na ang al-ala na kasama ako. Munting pakiusap....."





"A-Ano?" tanong ni Khian.





"Munting pakiusap lang, 'wag niyong susubukan na ipakita iyang mga wala niyong kwentang mukha na tatlo kapag nagising siya dahil ayoko na magkameron siya ng mga kaibigan na walang kwenta tulad niyo. Gusto ko kapag bumuo siya ng panibago na ala-ala ay walang iyang mga pagmumukha niyo!"





Naiyak na ng tuluyan sina Winter at Sunmer habang si Khian naman ay tulala lang. Umalis na si Kuya sa harap namin pagkatapos sabihin iyon at pagkatapos kamustahin ang kalagayan ko. Dumaan rin sa harap namin sina Mics at ang tatlong magkakapatid kasama si Dark at Yna. Lumapit sa amin si Dark na nakangiti pero masama ang tingin ng iba sa tatlo.





"H-Hey bro,"bati sa kanila ni Khian pero hindi siya pinansin ng mga ito kaya naman inaluhan ko ang likod niya.





"Mics, sabay-sabay ulit mamaya," saad ni Kevin.





"Ge, hanapin ko lang kung nasaan si Aiden," saad nito bago dumaan sa harap namin tsaka tumingin sa tatlo pero inismiran niya lamang ang mga ito.





"Uy, pasama naman diyan," saad ni Zion kaya nagkatinginan sila.







"Sige lang sunod na lang kayo sa garden mamaya. Prinsipe Dark at Prinsesa Yna una na muna kami." Paalam nila bago lumingon sa amin tsaka ngumiti maliban sa tatlo.







Naging gano'n na ang pakikitungo nila sa tatlo lalo na kay Khian simulan ng mangyari iyon kay Mira. May sama ng loob ang tatlo kay Khian hindi ko lang alam sa dalawang prinsesa habang si Mics at si Kuya Aiden ay galit na galit sa tatlo lalo na si Kuya dahil nakita niya ang ginawa nila Winter at Summer kay Mira ng oras na labanan. Biligtas daw nila pero pagkatapos ay may sinabing masakit na salita kay Mira.







Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon