Kabanata 15

315 17 0
                                    


Brent Clay's POV 

Isang linggo bago ang pasukan namin at sa loob ng isang linggo na yun ay sinasanay namin ang prinsesa. Maayos naman na siyang natuturuan pagdating sa paggamit ng mga armas maliban lang sa pagbabasa ng libro dahil lagi siyang natutulog hahaha.

Nandito kami sa training room sa loob ng palasyo at nag eensayo kami at napapa tingin din sa prinsesa pa minsan minsan. 


"Ilalagay niyo po muna yung libro sa ibabaw ng ulo niyo at maglalakad po kayo ng deretso at dapat hindi malaglag ang mga libro" rinig kong sabi ng isa sa nag eensayo kay Mira para kumilos na prinsesa.


"Bakit po, maayos naman po akong maglakad ah" napa tingin kami ng sabihin yun ni Mira na naka nguso na naman.


"Hahaha pasensya na po pero di niyo po ako makukuha sa ganyan niyo hahaha. Kailangan niyo po kasing masanay na ganyan kamahalan tsaka po nasabi sa akin na hindi kayo naka sandalyas na mataas nung araw ng kaarawan niyo" sabi nung babae.


"Hinde nga po kasi hindi po ako sanay" rinig kong sabi ni Mira. Natawa naman sa kanya si Ice na nakaharap mismo sa pwesto niya. Napa tingin naman ako sa iba na deretso sa pag eensayo.


"Wag kana kasing maraming reklamo pikachu, gawin mona lang" napa tingin naman kami kay Fire ng sabihin niya yun. 


" Nandyan na naman po ang panira kahit kailan" bulong ni Mira pero rinig na rinig naman namin.


"Naririnig kita" naka kunot na sabi ni Fire.


"Nye nye nye wag kang panira apo" sabi ni Mira na umirap pa at humarap sa babae na naka ngiti na sa kanya.


"Kamahalan ang ganda niyo po" naka ngiting sabi nung babae sa kanya.


"Hehehe pero mas maganda po kayo sa akin wag kayong papakabog" natatawang sabi ni Mira na ikinatawa naman nung babae.


"Mag pokus nga kayo" napa lingon kay Fire ng sabihin niya yun sa amin. Nasa gitna na siya namin. Ako, Ice, Zion, Fire, Dark,Rain,Thor. " Lahat ng inaral natin gagawin natin ng sabay sabay, dapat kung magsisimula akong magbilang ay dapat susundan natin ng galaw. Maliwanag ba?" tumango naman kaming lahat sa kanya " Isa pa-una" ginawa namin ang sinabi niya at gumalaw kami gamit ang paa tapos naka turo ang espada sa unahan. " Dalawa, yuko tapos tira" ginawa ulit namin yun " Tatlo, atras, sipa tapos tira" ginawa ulit namin ng sabay sabay maliban kay..." Thor Dritan, nahuhuli ka" naka kunot na sabi ni Fire.


"Hehehe patawad na Fire" kakamot kamot ulo na sabi ni Thor at lilingon na sana sa likod namin ng magsalita si Fire.


"Magpokus kayo, ulitin natin mula sa simula" sabi niya tsaka tumingin sa likod tapos bumalik kay Thor " Wag mong hayaan na mawala ka sa pokus dahil lang sa presensiya ni pikachu dritan, alalahanin niyong hindi lang siya ang nag-sasanay kundi pati tayo kaya naman mag pokus kayo. Naiintindihan niyo ba" seryosong sabi niya kaya tumango kami ulit at nagsimula na. 


" Magpokus ka Thor" sabi ni Dark sa kanya pero tumawa lang ang baliw. Masaya akong bumabalik kana sa dati.

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon