Kabanata 69

95 3 1
                                    


Nagpunta na sila sa malawak na lugar sa lugar ng mga mandirigma. Hindi sumama ang tatlong magka-kapatid dahil sa tungkulin ng mga ito at nauunawaan naman 'yon nina Mira pero pupunta ang isa para tingnan kung ayos lang ba sila.

" Alam natin na hindi pa nabubuhay si Aida ang Reyna ng mga Arcanean kaya malaki ang tiyansa na manalo tayo sa labanan na ito. Si Aida ay ang dating Prinsesa din ng Archamage na siyang tiyahin ni Prinsesa Mira. Ang bawat isa ay bibigyan ng sapat na oras para mag ensayo at pagkatapos na 'yon, maglalaban ang magkatulad na elemento. Apoy sa apoy, tubig sa tubig, hangin sa hangin at lupa sa lupa. Kung wala man sa apat na elemento O walang katulad na mahika, ipagtatapat ang mage na may katumbas na kakayahan sa isa pa. Maliwanag ba!" sigaw ni Mics na naka tayo sa malaking bato.

" Maliwanag!" sigaw din ng iba.

" Kailangan ng matinding ensayo dito, gawing seryoso ang ginagawa dahil madami ang nakasalalay na buhay sa atin dahil bihag ng Arcanean ang mga mamamayan ng Archmage. Kumuha muna kayo pagkatapos ay mag ensayo muna kayo sa sarili niyo, sasabihin ko kapag ipagtatapat na kayong lahat"

Nagsimula ng mag ensayo ang ng mga maharlike habang sina Khian at Mics naman ang naka toka sa kanila. Iyon ang trabaho nilang dalawa simula pa naman noon dahil sabi ng kanya kanyang magulang nila na sila ang gabay noon ng dating mga maharlika.

" Sala ang posisyon Prinsesa Safira," saway sa kanya ni Khian. " Ganito dapat" mabilis na hinawakan ni Khian ang bewang ni Safira bago ito itama sa posisyon. Naka alis na si Khian pero tulala pa rin si Safira kasabay noon ang mabilis na tibok ng puso nito.

" Gusto ko pa ang baliw na 'yon" bulong ni Safira sa sarili bago nag patuloy sa ensayo niya.

Tinitingnan lang nina Khian at Mics kung may nagkakamali ba. Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na sila ni Mics.

" Ngayon naman ay one versus one. Mauuna ang ikaapat na elemento at 'yon ay walang iba kundi ang elemento ng lupa." Tumayo ang magpipinsan na earth mage.

" Teka,tatlo lang kami" reklamo ni Autumn kina Mics. Biglang tumalon pababa si Khian mula sa pagkakatayo sa malaking bayo.

" Ngayon apat na tayo!" naka ngiting sabi nito.

" Teka akala ko ba sidekick lang kayong dalawa?" Halos lahat ay nagtataka na hindi sidekick si Khian.

" Mahabang kwento, si Khian ay isang Earth Mage na mula sa kabihasnan. Lumaki ito sa loob ng gubat kaya sanay ito sa mahika niya. Ang makakaharap ni Khian ay si Brent habang kayo naman na mag kambal ang magka tapat. Nais ko na humanap kayo ng halaman na pwede niyong gamitin sa kaaway niyo. Ang laban ay magsisimula na!"

Mabilis na pumasok ng gubat ang apat at nang maka ilanv minuto ay naunang lumabas sina Brent at Khian na mabilis rin namang naglaban. Halos nagulat ang lahat sa bilis nang galaw na pinapakita ni Khian sa kanila hanggang sa pareho na silang napa luhod.

" Melagu ang naisip kong halaman. Kung ang gumela ay magbibigay ng kalakasan sa katawan, kabaligtaran naman ang sa melagu dahil manghihina ang kalaban mo dahil dito"

" 'Yan din ang naisip ko na kuhanin pero nag dalawang isip ako kaya naman hinanap ko ang halaman na manghihina ka na nga, masasaktan ka pa kahit walang gumagalaw sa'yo. Naisip ko na kuhanin ang lalachi na magbibigay ng kahinaan pero magbibigay din ng sakit sa katawan at alam natin na pareho tayong nasugatan pero kita ang pananakit ng katawan mo Prinsipe Brent Clay" Napa tingin sila kay Brent at doon nila nakita ang sinasabi ni Khian.

" Ang nanalo sa laban ay si Khian, hintayin natin na lumabas ang dalawa." Saktong lumabas na din 'yong dalawa. Pagkalabas din ng dalawa ay naglaban na din sila hanggang sa masugatan nila ang isa't-isa.

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon