Winter POV
Nagising ako mula sa pagkaka tulog dito sa classroom namin. Napa tingin ako kina Safira na natutulog pa din. Napa tingin naman ako kay Thor na naka tingin din sa akin at naunang nag iwas ng tingin. Miss kona yung mga ngiti mo kung pwede ko lang sanang sabihin ang dahilan ay ginawa kona noon pa pero ayaw kong kamuhian mo ang naging dahilan ng pananakit ko sayo.
Napa tingin ako kay Rain na naka tingin din sa amin ni Thor na naka taas ang kilay, inirapan ko lang siya pero tumawa naman siya. Napa tingin din ako sa iba pero wala si Dark,Mira at Aiden.
"Nasaan si Mira?" tanong ko sa kanya..
" Lumabas ang sabi magbabanyo raw dapat sasamahan ko eh pero tumakbo na lang basta" tatawa tawa niyang sabi siguro may ginawang kalokohan ito.
"Puntahan mo Winter baka maligaw yun" napa tingin ako kay Ice. Kapatid ko siya pero di ako sanay tumawag ng kuya pero minsan tinatawag ko siya kapag gusto ko at kapag sinasaway na niya ako.
"Sige" sabi ko at tumayo na.
"Samahan na kita" sabi ni Autumn pero nahawakan siya ni Ice sa braso.
" Wag ka nang sumama kasi wala akong kasama oh"
"Malaki kana kaya wag kang umangal diyan" pero umiling lang si Kuya sa kanya. Nagpa alam na ako sa kanila at sinabihan na lang si Winter na sumunod kung gusto niya. Naglalakad ako sa pasilyo ng matanaw ko ang daan papunta sa lumang classroom at doon ko nakita si Mira na may tinitingnan. Nakasandal siya sa pader at parang may namumuong luha sa mata niya na labis kong ipingataka. Bakit? Babasahin lang kita kahit ngayon lang.
Tama nga ako si apoy ang kausap niya
Napa taas ang kilay ko nang sabihin niya yun. Si Fire bakit nandon ba siya sa lumang classroom, wala akong mapag pipilian gusto kong lumapit pero di maaari kaya gagawin ko 'to kahit ayaw ni Ama na gamitin namin. Ability rin naming maka rinig ng boses kahit sa malayo pero pinagbawalan kami niAma pero ngayonsusuwayin ko siya dahil gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ganun mag react si Mira.
"Aiden pakiusap naman bumalik kana sa akin"
"Tsk" rinig kong sabi ni Fire
"Fire pakiusap naman, ano bang nagawa kong kasalanan"
" Ano nga ba?"
" Di ko alam, pakiusap naman oh bakit tayo naging ganito diba mahal natin ang isa't isa"
" Tumayo ka diyan"
" Hindi ako tatayo hangga't di mo sinasabi sa akin na mahal mo pa rin ako. Bakit bigla na lang naging ganun Fire"
"Ally mahal kita mahal na mahal"
Biglang natigil ang pagsasalita ni Fire sa di ko malamang dahilan pero mas lalo akong nagulat nang tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ni Mira. Bakit? Ano bang nakita niya, naglakad ako palapit doon at doon ko nakita si Fire na itinulak si Allysa. Kahit hindi ko nakita parang alam ko na ang naganap. Nasaktan kaya si Mira dahil sa narinig niya o sa nakita niya pero pwede rin namang pareho.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasiaMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...