Mira Oceania POV
Di ko alam ang pumasok sa isip ni Thor kung bakit bigla na lang niya ako inilabas sa kwarto ko kanina kung nasaan ang iba. Ang sabi niya ay may sasabihin daw siya sa akin kaya walang pwedeng sumunod. Pumunta kami sa likod ng palasyo at seryosong tumingin sa akin. Nilagyan niya ng pangsangga ang kinaroroonan namin.
"Anong pumasok sa isip mo para lagyan ng panangga ito eh may sasabihin ka lang naman diba" sabi ko at natawa pa pero seryoso pa rin siya at di ko maintindihan ang tumatakbo sa isip niya.
" Kailangan kong lagyan ng panangga ng sa gayon ay wala makarinig sa atin kapag ginamit nina Clay,Ice at Winter ang kanilang abilidad na makarinig ng usapan sa malayo" sabi niya sa akin. Napa tingin ako doon sa bintana ng kwarto ko at doon ko natanaw ang iba na naka tingin sa amin.
"Bakit kailangan pa ng ganito" sabi ko sa kanya pero hinarap niya ako sa akin.
"Dahil ikaw ang may kailangang sabihin sa akin kamahalan" naka ngiti munit seryoso ang sabi niya. Nag iwas ako ng tingin.
"Wala naman akong kailangang sabihin" sabi ko at nag iwas ng tingin sa kanya.
" Ang daya mo naman eh" naka ngusong sabi niya sa akin " Sige na makikinig ako tutal tayo lang naman ang makaka alam" sabi niya pa sa akin tsaka umupo sa lugar kung nasaan kami.
"Kapalan mo pa ang pansangga para di nila makita ang nangyayari" sabi ko na sinunod naman niya kaya wala na akong makita kundi ang kidlat na naka palibot sa amin. Nasa loob kami na itsurang parisukat at napapalibutan yun ng kidlat.
"Kwento ka na. Anong nangyari sa panaginip mo bakit ka umiiyak" sabi niya kaya napa tungo naman ako. Kanina ko pa pinipigilan ito eh simula ng hawakan ako ni apoy.
" Di ko alam kung talaga bang panaginip yun Thor pero para kasing totoo" tumingin ako sa kanya at nagulat siya sa itsura ko dahil namumuo na ang luha sa mata ko.
"Kailangan mong pigilan yan kundi mahahalata nilang umiiyak ka" sabi niya sa akin. "Diba sabi mo napipigilan mo yan pero nagkaka sugat ka. Subukan mo kayang isipin na wag umulan habang umiiyak ka baka tumalab" seryosong sabi niya kaya ginawa ko naman.
Kahit ngayon lang wag ka munang makisama sa akin. Hayaan mo muna akong umiyak ng malaya
"Yan parang tumatalab" napa tingin naman ako kay Thor ng may sinilip siya at napa tingin siya sa akin at nginuso ang mukha ko kaya napa hawak ako at doon na pala bumabagsak ang luha ko. "Yung sabi mo kanina, sabi mo parang totoo. Ano ba kasing nangyari" tanong niya sa akin.
" Yung kay blaze lang yun" sabi ko at nag iwas ng tingin.
" Sa tagal kitang nakaka usap Mira lagi kang may nakasanayan na gawin kapag kinakabahan ka" sabi niya tsaka tumingin sa mga kamay ko at doon ko lang napagtanto na pinaglalaruan ko pala ang mga daliri ko. " May mga mata kami kamahalan at napansin namin na para bang iniiwasan mo si Aiden. Nung hahawakan ka sana niya ay bigla ka na lang kumuha ng mansanas tsaka mo kinain at naupo sa tabi namin ni Rain. Sabihin mona kasi" seryosong sabi niya.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...