Kabanata 37

150 11 0
                                    


Blue Crystal Eyes.....


Mira Oceania's POV


Bakit ba ako kinakabahan,may alam naman ako kahit papaano sa kabayo kahit di naging maganda yung ensayo ko dati sa kabayo ni Fire. Pabalik na dito sina Safira at malayo ang pagitan nilang dalawa ni Safira dahil nauuna si Blaze. Napa nguso na lang ako dahil sigurado akong matatalo ako neto. Hinde hinde fighting Mira, kaya mo yan kayang kayang mong lampasuhin ang prinsipe ng mga apoy hahaha. 


"Wah! Natalo na naman ako!!!" gulat akong napa tingin ng sumigaw si Safira na parang bata. Sana all cute kapag gumaganyan, lumapit siya kay Fire at kumapit sa braso neto. "Kuya natalo na naman ako, anong gagawin ko" pagmumukmok ni Safira kay Fire na naka kunot ang noo.



"Tsk" sabi niya tsaka tumayo at tumingin sa akin at bahagya pa akong nagulat. "Ano pang hinihintay mo.Tara na" saan naman kami pupunta. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.



"Saan tayo pupunta aber" masungit na sabi ko at napa iling na lang siya tsaka lumapit sa kabayo. 



Lah!Kami na nga pala ang maglalaban



"Ang bagal naman" sinamaan ko lang siya ng tingin, sumakay siya sa isang kabayo pero ako itong di makapili kung alin ang sasakyan " Sumakay kana" 



"Teka naman napili pa ako" sabi ko at inismiran niya lang ako. Bakit ba kasi ang cute cute nila. "Sino kaya sa inyo ang pipiliin ko" naka ngusong sabi ko pa habang tinitingnan yung natitira pero may naka agaw ng pansin ko at yun ay ang kabayong kulay....



Brown



" Ano ba? Bilisan mo nga, yung brown na lang ang piliin mo" inis na sabi niya. Yun naman talaga ang pipiliin ko. Dahan dahan akong umakyat pero bakit ba kasi ang hirap maging maliit. Di ako makasampa ng ayus doon sa kabayo. Sinamaan ko ng tingin si Fire at tinaasan pa ng kilay na sinasabing bumama-ka-dyan-at-tulungan-mo-ako-look, pero inismiran niya lang ako, kainis naman oh. "Bilis bakit ba kasi ang liit liit" pang aasar niya habang naka ngisi.



"Tulungan na kita Mira" napa lingon ako at nakita ko si Blaze na naka ngiti sa akin. Ngumiti naman ako kaya nilahad niya yung kamay niya na agad ko namang tinaggap. "Aalalayan kita tapos umakyat ka ah" sabi niya kaya ngumiti ako at tumango.



"Salamat Blaze" sabi ko nung maka akyat na ako



" Naman para sayo"sabi niya kaya ngumiti ako "Mag iingat ka sa paggamit, di ka pa masyadong nakapag ensayo sa kabayo.Baka mahulog ka" sabi niya.



"Wag mo naman akong takutin, baka magtila anghel ka at mahulog nga ako" naka ngusong sabi ko.

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon