Kabanata 19

253 18 0
                                    


Parusa...


Summer POV 

Nakaka lungkot isipin na iniiwasan kami ni Mira. Tatlong araw na ang nakakalipas pero di niya pa rin kami pinapansin at lagi kong napapansin na laging madilim ang kalangitan. Natigil ang klase namin dahil ngayong araw ay mapaparusahan ang Prinsesa. Nandito kami sa palasyo ng Archamage simula nung iwasan kami ni Mira dahil akala namin ay maayus namin. 


Yung masayang Thor, Zion at Rain ay nawala na rin. Narinig namin nung isang araw na sinasabi ni Mira sa Inang Reyna at Amang Hari yung nangyari at humihingi siya ng tumulong para mawala yung batas na yun. Nung araw na umalis si Mira ay umiyak kami nina Safira lalo na siya.


Flashback....

Natigilan kami dahil sa sinabi ni Mira sa amin. Ganun na lang ba yun, siguro ay nabigla siya sa mga sinabi kay Migser Leo, siguro pakiramdam niya ay ganun din kami sa kanya. Bigla na lang umiyak si Safira na ikinagulat namin maski ako naluluha na.


"Sinabi kona sa inyong irespeto natin siya kahit ngayon lang dahil alam ko na magagalit si Mira pag nagkataon" naiiyak na sabi ni Safira sa amin. 


"Jane hindi naman namin alam na magagalit siya" sinamaan naman ng tingin ni Safira si Thor. 


"Kayo ang mas nakaka kilala sa kanya sana alam niyo din na may ugali siyang pantay lung tumingin sa iba. Nakita kona yun sa kanya simula una pero hindi niyo manlang ata nakita kahit nakasama niyo na siya!" sigaw ni Thor. 


"At may ugali din siyang kapag sinabi niya gagawin niya" parang walang ganang sabi ni Ice na nakapag patigil sa amin.


" Anong ibig mong sabihin..." naguguluhang tanong ko.


"Panigurado di niya tayo papansinin kahit humingi tayo ng kapatawaran" doon na mismo ako umiyak dahil kahit bago ko pa lang nakasama si Mira ay nasasayahan na ako. 


" Umalis na lang tayo sa palasyo" nagulat kami dahil sa sinabi ni Fire pero mas nagulat kami ng sampalin ni Safira ang kuya niya.


" Baliw kaba kuya wala ka bang gagawin. Sabagay wala ka nga pa lang gagawin dahil una sa lahat dahil nasigawan niya ang babaeng mahal mo. Pinagtanggol mo si Allysa laban sa kanya, sino nga ba naman si Prinsesa Mira sayo tsaka ano bang laban niya sa babaeng mahal mo diba. Syempre kakampihan mo yang Allysa na yan!"  sigaw ni Safira sa kuya niya. 


" Hindi ko-" naputol ang sasabihin ni Fire ng may magsalita.


" Syempre ako ang kakampihan ni Aiden dahil mahal niya ako at wala naman sa kanya yung babaeng yun. Bakit ba napaka apektado mo Safira Jane ah. Dimo pa rin ba matanggap na mahal ako ng kuya mo, nagkaka mabutihan na nga kami eh kahapon lang ay naghalikan-" sinampal siya ni Jane nang malakas.


"Hindi ka karapat dapat kay Kuya buti na lang talaga hiniwalayan kana niya"


"Hiniwalayan pero hinalikan ako-" sinampal ulit siya ni Jane nang biglang sumigaw si Fire na labis naming ikinagulat. 


Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon