Mira Oceania POV
Kakatapos lang namin sa subject namin sa paggamit ng armas kaya naman nagpapahinga kami ngayon. Dalawang buwan na simula ng magsimula ang pasukan pero wala pa rin akong mahika. Yung tungkol naman kay apoy,well diko siya iniiwasan dahil sabi nina mother earth chos. Naisip ko lang na kapag pinpigilan ko eh mas lalong lumalalim at nasasaktan ako kaya hinahayaan ko na lang na go with the flow peg ang lola niyo hahaha.
Nandito kami sa cafeteria, nasanay na akong cafeteria ang tawag dito dahil mahirap bigkasin yung ginagamit nilang salita.
"Bes napalabas kona ang guardian ko" masayang sabi ni Safira sa akin. Yung mga Prinsipe ay bumibili ng pagkain namin at ang natira dito ay si Fire at si Thor.
"Ah talaga pakita mo sa akin" tumango naman siya.
" Sa akin din" masayang sabi ni Summer kaya ngumiti ako ng malawak tsaka tinap ang ulo niya na ayaw niyang ginagawa sa kanya.
"Ipakita niyo ang guardian niyo kapag nakakalabas na sila ng walang palya tulad ni hestiya" naka ngising sabi ni apoy.
"Hambog" bulong kong sabi pero narinig ko siyang tumawa na ikinagulat naman ng iba. "Hambog ka talaga eh noh apoy"
"Hambog na ba yun hindi ba pwede nagsasabi lang ng totoo,pika!" natatawang sabi pa niya. Inambahan ko naman siya pero tumawa lang siya.
" Hintayin mong lumabas si Blue"
"Di na"
"Bakit?" tanong ko.
" Tamad din yung guardian mo tulad mo. Malabong lumabas yun " nakitawa naman ang iba sa kanya.
"Arghh panira ka talaga" pero deretso pa rin sila sa pagtawa. Ano bang nakaka tawa.
" Anong panira, nagsasabi nga lang ng totoo diba" sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya dahilan para tumawa na naman ang mokong.
" Di naman ako tamad ah" naka ngusong sabi ko.
"Pero antukin ka"
"Hindi naman" sabi ko sa kanya.
" Pero maingay ka"
"Pala kwento lang"
"Mapang asar ka naman" sabi pa niya.
"Nang aasar sila kaya ganun"
" Makulit ka"
"Ano ba, kanina ka pa ah. Pagsinasabi ko na hindi ako ganun iibahin mo naman ang sinasabi mo" pagmumukmok ko sa kanya na ikinatawa nilang lahat.Nakaka inis ano bang nakaka tawa, wag kayong ganan ganitong pagod ako baka upakan ko kayo pero chos lang "Tutal panira ka ng araw, ilibre mo akong glacies crepito" naka ngusong sabi ko habang pinatong ang ulo ko sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasiMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...