Kabanata 70

112 4 2
                                    

Prince Fire Aiden's POV

Bakit ang tagal naman ata nina Mira sa pag-uusap nila. Mula sa malayo ay naka tingin lamang ako sa kanila at tanaw ko na mukhang seryosong usapan ang pinag-uusapan nilang dalawa. Gusto ko mang alamin ay ayoko mang himasok tsaka si Mira ang may kailangan sabihin nun sa akin. 

Tumayo ako ng makita na papalapit na sila sa amin.

" Hindi ka pa kumakain, mahal?" naka ngiting tanong niya sa akin.

"Hindi pa, hinihintay kita," sabi ko bago hawakan ang kamay niya para ayain na pumunta kami sa pwesto ng iba. " Tara na"

" Teka kain muna tayo, nagugutom na ako." Natawa naman ako ng mahina dahil parang minu-minuto ay lagi siyang gutom.

"Mauuna na ako sa inyo basta sunod agad kayo," tinaguan ko si Michael.

" Bye Kuya Mics." Kumaway pa si Mira sa kanya, hindi ba ganon ka seryoso ang pinag-usapan nila at nagagawa pa nilang ngumiti sa isa't-isa. " Mahal tara na." Niyakap ko muna siya bago akayin papunta sa kainan. 

" Anong gusto mo, mahal?" 

"Eto" turo niya doon sa pagkain na kinain din ni Thor kanina. " Tsaka eto." Kumunot ang noo ko ng makita na tsokolate ang tinuro niya. 

"Iba na lang mahal, naka ilan ka na niyan ah." Napa nguso naman siya kaya pinitik ko ang bibig niya dahilan para samaan niya ako ng tingin. " Akala mo hindi ko makikita na pasimple kang nakain niyan kanina" lalo siyang napa nguso sa sinabi ko.

" Eh? Isa lang naman" angal niya pero umiling ako sa kanya. " Mahal please" napa sapo naman ako sa noo ko dahil magsisimula na naman siyang mag pacute. 

" Hindi pwede," sabi ko tsaka umiwas ng tingin.

"Mahal naman eh," wika pa niya tsaka nagpa tuloy sa pangungumbinsi sa akin.

" Sige na nga" pag suko ko dahil hindi siya tumitigil sa pangungulit sa akin. 

" Talaga?" tumango naman ako sa kanya tsaka di mapigilan na mapa ngiti dahil para siyang bata.

" Oo pero sa isang kondisyon"

"Kondisyon?Bakit may kondisyon pa? Pumayag ka nga tapos may kondisyon pa tapos mahirap 'yong ibibigay mong kondisyon tapos hindi na ako makakakain ng chocolate dahil hindi ko nagawa-aray!" pinisil ko ang ilong niya dahilan para mapanguso siya kaya naman natawa ako. 

"Hindi naman 'yon masakit, grabe kang maka react," tuloy pa rin ako sa pagtawa hanggang sa pingutin niya ang tainga ko. " Aray, mahal masakit!" angal ko dahil panigurado na namumula na iyon lalo pa at matulis ang kuko ni Mira. 

"Masakit sadya yan, apoy. Anong tinatawa-tawa mo ah" 

"Mahal, masakit talaga!" binitawan naman niya agad 'yon kaya naman napahawak ako sa tainga ko. " Ang sakit no'n ah" reklamo ko sa kanya. 

"Oh anong gusto mong gawin ko," ang sungit naman niya ngayon. Siguro meron siya kaya siya ganyan.

" Halikan mo" naka ngiti kong sabi.

"Sapak you want?" mabilis naman ako umiling tsaka siya niyakap. 

" Ang daldal naman ng babaeng mahal ko, simple lang naman ang kondisyon ko" sabi ko kaya nagtaas naman siya ng dalawang kilay.

"Ano naman 'yon, aber?"

"Kumain ka muna tapos ipang huli mo na ang tsokolate mo," hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako at tinadtad ng halik sa buong mukha kaya naman natatawa ako. Kaya mahal ko ang babaeng ito dahil siya ang kaligayahan ko at buhay.

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon