Mira Oceania POV
Ikalawang araw na ng pasukan namin at ito kami nag-aabang ng migser wag kayong ano diyan teacher yan. Ang tawag kasi sa teacher dito ay Migser,yun ay ayun sa lingwahe nila este namin dito. Halos lahat ay may kanya kanyang ginagawa dito yung iba tulog yung iba naman ay gumagamit ng mahika nila at yung iba ay nag-iingay.
"Magandang araw sa lahat" masayang bati nung lalaking Migser namin pero mga bes para siyang bading pero ang suot niya mismo ay panglalaki. Tumayo ako at ngumiti para batiin siya.
"Magandang araw din po" napa tingin ako sa paligid dahil ako lang ang bumati samantalang yung iba ay walang gana. Napa tingin ako kina Safira pero ganun din sila bakit anong nangyari. Bumalik ang tingin ko kay Sir este Ma'm na lang mga bes baka ayaw niyang tawaging sir dahil isa siya sa sereyna halata mo na pilit ang ngiti niya.
"Ako nga pala si Migser Leo at ako ang magtuturo sa inyo ng Historia" sabi niya tsaka ako pina upo.
" Baka kamo Migser Lea hindi Leo" sabi ni Thor na ikinatawa ng lahat. Anong nakaka tawa, alam kong nagbibiro siya pero parang sarkastiko naman ata ang dating. Dina sila pinansin nung teacher namin at nagturo na. Ngumiti naman ako sa kanya para ipaalam na nakikinig ako.
" Nung unang panahon, nagkameron ng kaguluhan sa apat na angkan. Naghimagsik ang kapatid ng Inang Reyna na nagngangalang Aida dahil masyado siyang sakim sa kapangyarihan. Ninais niyang mapasakanya ang pangangalaga ng apat na angkan. Nasa puno na sila ng tagumpay ng biglang may bumaba mula sa kalangitan at isinumpa sila at dahil sa gulong ito ay nagkagulo ang 6 primal stone at nagkawatak watak ang apat na elemento. Dahil rin dito ay nawala ang ang panganay na anak ni Reyna Aqua na si Prinsesa Mara samantalang tinakas naman ng kapatid ni Reyna Aqua ang bunsong Prinsesa na si Prinesa Mira" sabi niya tsaka tumingin sa akin kaya nginitian ko naman siya. "Ngunit sinabit din neto na muling babalik ang mga Arcanean para maghiganti at dahil doon ay kailangan ng matinding pagsasanay ang mga estudyante ng AUA para maging handa sa anumang sandali. Naiintindihan niyo ba" sabi nung guro namin.
"Opo naiintindihan namin" napa tingin ulit ako sa iba nang ako lang ang magsalita nang ganun. Masama ang tingin nila sa guro namin.
"Pwede ba tumigil kana diyan bakla" sabi nung isa naming kaklase na ikinainis ko. Ano bang problema.
" Alam na namin yan kaya tumigil kana" biglang sabi ni Safira at Summer na labis kong ipinagtaka. Bakit pati sila ay ganun ang trato sa kanila.
"Hoy bakla tumigil kana diyan. Bakit kaba nagtuturo dito eh hindi ka naman tanggap sa lugar na ito. Yang buong angkan niyo ay malas sa buhay ng mage" sabi nung Allysa na ikina inis ko talaga.
" Tumigil kana dahil wala ka namang kwenta, hindi ka nabibilang dito at alam yun dahil naiiba ka" nasasaktan ako sa sinabi nina Zion halos lahat sila sinabihan na walang kwenta ang guro namin dahil naiiba raw siya. Edi ibig sabihin wala rin akong kwenta dahil naiiba rin ako sa kanila.
Parang gusto kong umiyak pero walang pumapatak na luha dahil nasasaktan mismo ang kalooblooban ko. Bakit ganyan sila, nagsimula na rin silang tirahin ang guro namin ng mahika kaya diko na napigilan at nang may tatama sa pisnge niya ay tumakbo ako dahilan para ako ang matamaan. Halata mong nagulat sila lalo na sina Thor,masakit oo pero wala nang mas sasakit pa sa loob ko dahil umiiyak na ito ng tuluyan, natigil ang mga mahika ng bawat isa sa ere at alam ko kung sino ang may dahilan nun at yun ay si Dark. Napa tingin kami ng biglang bumuhos ang ulan sa labas kaya napa tingin ang iba sa akin.
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...