Kabanata 45

157 8 3
                                    

Princess Mira Oceania's POV

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng bigla na lang lumitaw si Fire sa harapan. Nagulat ako ng tumingin siya sa akin bago tumingin sa Migser namin. 

"Ginoong Flameflare, bakit bigla bigla kang sumulpot" sabi nang Migser namin pero hindi ito pinansin ni Fire sa halip naupo siya sa upuan niya, loko talaga ang isang 'to. 



"Bes sino siya, ang gwapo niya" parang kinikilig na sabi ni Stella kaya naiilang akong tumingin sa kanya. 



" Siya si Fire Aiden, hmm pwede mo siyang tawaging Aiden" geez bakit nagmumukha akong selosa eh tinanong lang naman sa akin. 



" Nako Fire na lang mas maganda pa" natigilan naman ako nang sabihin niya yun. Napa nguso ako ng palihim, kasalan mo yan Mira ikaw ang nagsabi sa kanya na di mo siya mahal edi panindigan mo. Nang umalis ang Migser namin ay nag ingay na ulit ang ang iba.  



"Aiden tama ba ako?" napa tingin ako ng magsalita si Diana.



" Bakit mo naman tinatanong ang pangalan niya Diana?" tanong ni Thor sa kanya. 



" May gusto ka siguro kay Aiden" sabat ni Summer na ikinagiti ni Diana.



" Ako nga pala si Diana" masiglang sabi niya kay Aiden.



"Narinig ko nga" naka ngising sabi ni Fire bago tumingin sa akin kaya nag iwas ako ng tingin. "Baguhan ka ba?" tanong sa kanya ni Fire.



" Oo at lightning mage ako, pwede ka ba mamaya?" tanong sa kanya ni Diana. 



"Titingnan ko bakit?" 



"Pwede bang sumabay kumain" 



" Sige" sabi ni Fire na ikinainis ko naman " Nasaan si Dark at Angelic?" tanong niya sa iba kaya napa tingin din ako at doon ko lang napagtanto na wala sila.



" Akala namin nawawala sila pero ang sabi nang isa sa kawal ay pinatawag si Yna sa palasyo samantalang si Dark ay pinatag sa palasyo nila. Bukas ata sila uuwi" sabi ni Autumn na iknatango ni Fire.



"Bes ipakilala mo ako" masiglang sabi ni Stella kaya tumango ako bago naiilang na tumingin kay Fire.



"Ah...Fire si Stella nga pala kaibigan ko. Stella si Fire" naiilang na sabi ko at nakipag kamay naman si Fire kay Stella. 



" Sidekick ka?" tanong ni Fire.



"Ah eh Oo" naiilang na sabi ni Stella."Nice...to meet you" 



" Es pulchra" nagulat ako ng sabihin yun ni Fire kay Stella.



"Hehehe..bes ano raw" 



"Ahmm ang ganda mo daw" sabi ko bago nag iwas ng tingin. Ayoko maging translator dito putek naman oh. 



"Salamat" masyado ka namang malapit sa mga babae apoy, ang sarap sarap mong kalbuhin. Nag iwas na lang ako ng tingin  at saktong tingin ko sa pinto ng room ay pumasok si Symon. 



"Naesarang!" sigaw niya ng makita ako at bigla bigla na lang lumapit sa akin kaya naiilang akong ngumiti sa kanya. Kita ko na naka tingin sa akin si Fire at ang iba. 



"Uy Symon kamusta ha!"



" Stella, kamusta para namang hindi tayo nagkikita"



"Yun na nga eh makasigaw ka naman akala mo di kayo nagkikita ni bes hahaha" sabi ni Stella.



"Na miss ko eh, sino ang kasama niyong kumain. Tara sabay sabay na tayo, my treat"



Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon