Princess Mira Oceania's POVNapa tingin ako sa paligid namin at doon ko nakita ang mga kasamahan namin na tumalon sa tubig lalo na si Khian.
" Yun na eh, panira talaga yang si pandak" hinampas ko naman siya sa dibdib.
" Umayos ka nga para kang hindi prinsipe" sabi ko pero natawa lang siya.
" Wala akong pake kung prinsipe ako basta masaya ako at ikaw ang dahilan" sabi pa niya.
" Your being cheesy" sabi ko dahilan para kumunot ang noo neto.
" Tsk" natawa naman ako. " Sayang saya ka eh noh porke di natuloy tsk" napa iling na lang ako.
" Ang sweet niyo naman baka gusto niyong maghiwalay muna sandali!" singit ni Khian dahilan para matawa ang iba.
" Parang kahapon lang ay di mapag dikiy tapos ngayon halos dikit na dikit hahaha" kantsaw ni Thor.
" Tumigil ka nga Dritan" saway ni Fire sa kanya bago tumingin kay Kuya Mics. " Kailan simula ng ensayo natin?" tanong niya.
" Mamaya pa naman" tinanguan naman siya ni Fire.
" Kumain na kayo!" sigaw niya kina Jane since malayo ang mga ito at yung tatlo lang ang malapit. Narinig ko naman na sumagot sila ng Oo. " Kayo Mics kumain na kayo?"
" Tapos na kami" sagot naman ni Kuya Mics.
" Sige maiwan na muna namin kayo sigurado naman ako ng gutom na 'to" napa nguso naman ako bago kami lumapit sa mababaw na sinundan nina Khian.
" Hoy sandali di na kayo liligo" reklamo ni Khian.
" Hindi na panira ka eh"
" Anong abo hoy mag dahan dahan ka sa pananalita mo. Hmp"
" Tsk ayaw mo nun masosolo mo kapatid ko" napa tingin ako kay Fire dahil sa sinabi niya.
" Hoy wala akong gusto sa kapatid mo noh"
" Tsk tumigil ka na nga Khian dinaig mo pa babae" tumingin naman sa amin si Kuya Mics. " Kumain na kayo para makapagsimula na din tayo pagtapos namin dito"
" Sige"
"Bye Kuya Mics, bye sa inyong lahay. Enjoy sa pagligo sure ako magiging kasing ganda ko na kayo pero teka nakalimutan ko nga pala na nag iisa lang ito hahaha" natawa naman ang iba. Tinulungan ako ni Fire umahon at napapa iling naman siya. " Oh bakit?"
" Bilib na bilib sa sarili" naka ngising sabi niya.
" Sige nga sabihin mo na hindi ako maganda ha?" hamon ko.
" Mukha ka daw kasing multo mahal hahaha"
" Hoy anghel ako noh"
" Multo ka hahaha" tawa pa siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil siya. " Biro lang mahal"
" Che" pagsusungit ko tsaka naglakad pero niyakap niya ako sa gilid.
" Gutom kana ba?" tanong niya sa akin dahilan para tumango ako. " Nilalamig ka ba or ayus lang?"
" Ayus lang ako, galing mo din magpabago ng usapan noh" natawa lang siya tsaka ako hinalikan sa pisnge.
" Pagdating natin doon magpalit ka agad ng damit mahal baka magkasakit ka"
" Hm-mm, ikaw din" naka ngiting sabi ko bago ginulo ang buhok niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko tsaka ulit kami nagpatuloy sa paglalakad. " Mahal" tawag ko.
" Bakit mahal?"
" Tayo tayo lang ba ang magkakalaban mamaya"
"Oo bali ang kalaban ko ay si Jane dahil pareho kami ng mahika at ikaw naman ay kay Rain" tumango na lang ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa makarating kami sa tinutuluyan namin.
" Mahal dito na ako, kita na lang tayo sa pinagkukunan ng pagkain"
" Hintayin na lang kita kaya wag kang aalis"
" Masusunod mahal na prinsipe" natatawang sabi ko kaya natawa din naman siya bago hinalikan ang noo ko tsaka naglakad palayo. Pumasok na ako tsaka nagbihis nang may biglang pumasok sa loob. " Ang bilis mo naman"
" Ikaw din naman"
" Madaling madali mahal, excited na makita ako. Punapatak pa yung tubig sa ulo mo oh" natatawang sabi ko pa.
" Syempre miss talaga kita. Hindi naman tayo nagka meron nang matagal na oras noon sa isa't isa kasi tangging tanggi ka pa nung araw na yun tapos nag away tayo at di pa man tayo nagkakasama ng matagal ay may pinag awayan na namaj tayo" tumayo naman ako bago kinuha ang pamunas tsaka lumapit sa kaniya.
" Sorry" sabi ko.
" Ayus lang mahal"
" Akina na nga" kumunot naman ang noo niya pero sa tingin ko at nakuha din niya. " Ang mahalaga ay naaayus natin ang away natin mahal, pasalamat nga tayo at di tumatagal ng linggo or buwan. Ang sa atin yata ay isang araw lang hahaha kaya wag ka ngang nega, andami dami pa nating oras na magkasama oh" sabi ko habang pinupunasan ang buhok niya.
" Hindi naman sa ganon mahal, ang sa akin lang ay syempre gusto kitang kasama araw araw dahil andami nang oras na nasayang natin" tumango naman ako bago kinuha ang suklay.
" Ano ba naman yan ang ganda gandang lalaki gulo gulo ang buhok mahal" natatawang sabi ko. Inilapit naman niya ako sa kanya.
" Tsk" natawa na lang ako tsaka nagpatuloy. " Hiyang hiya naman ako sa buhok mo mahal"
" Gagi! Syempre uunahin na kita" sabi ko tsaka tinuloy ang pagsusuklay sa kanya. " Ayan ayus na" tatayo na sana ako nang buhatin niya ako at naglaho dahilan para mapatapat ako sa maliit na salamin habang naka upo.
" Ako din ang mag aayus nang buhok mo" tumango na lang ako kasi hindi naman ito ang unang beses na sinuklayan niya ako, napuyuran na nga niya ako noon. Maya maya pa ay pumunta na kami sa hapag kainan at nagsimula nang kumain.
" Yow! Tapos na ba kayo mga love birds!" napa tingin ako sa sumigaw at doon ko nakita si Khiano. " Away bati pero walang hiwalayan ang peg ah"
" Syempre, yan pang mga yan" sabi naman ni Rain.
" Ang bilis niyo naman?" reklamo ni Fire sa kanila.
" Dapat ba na tanungin din namin kayo kung bakit ang tagal niyo?
BINABASA MO ANG
Archamage Princess
FantasyMas mabuti pa sa mundo ng mga tao, kahit iba't ibang ugali at least tanggap ka hindi tulad dito. Sa pinagmulan ko na tunay kong tahanan kung saan dapat ako nabibilang pero ramdam ko na hindi ako nabibilang kahit Prinsesa ako. Ang sakit nun bes mas...