Kabanata 47

146 10 11
                                    


Princess Mira Oceania's  POV

Halos manlumo ako sa kalagayan ko sa academy na 'to. Halos lahat ng mage ang tingin sa akin, wala akong kapangyarihan pero meron at di naman nawala yun sa akin. Umalis na din dito si Fire at di ko alam kung kailan siya babalik. Napapadalas na din ang mga nambubully sa akin dito gamit ang mga salitang masasakit. Bago umalis sina Fire mas naging close sila ni Diana pero di ko akalain na makaka close niya din si Bes. 



Lahat ng Prinsesa at Prinsipe ay galit na galit sa akin sa di ko malamang dahilan ganon din si Stella at Symon, anong nangyayari sa kanila. Sigurado pa ako na kayang magalit sa akin ng ibang Mage pero di ang mga kaibigan ko. Hindi lalo akong makapaniwala sa sinabi sa akin ni Safire pero bakit ganon parang kabaligtaran yung ginagawa nila sa sinabi niya sa akin.Tanaw kong may bumaba na sa karwahe at tanaw ko na si Fire yun kaya mabilis akong tumakbo kahit ang layo layo niya pa sa akin. 


Sana hindi siya galit sa akin tulad nila




Prince Fire Aiden's POV

Nang maka uwe ako sa amin ay sobrang tindi ng pag-alala ko, ayus kaya siya baka may nangyari nang masama sa kanya. Kailangan kong makaalis agad dito sa aming palasyo. Ano bang kailangan ni Ama para pauwiin mo ako kung pwede namang magpadala nalang ng mensahero. Nakita ko siyang naka upo sa kanyang trono kasama si Ina.


" Kamahalan" sabi ko bago nagbigay ng galang.



"Mabuti naman at nakarating kana munting prinsipe"



"Ano pong maipaaglilingkod ko sa inyo kamahalan" kahit anak kami ng Hari at Reyna kailangan may paggalang pa rin.



"Narinig kong ipinahinto pansamantala ang kasal niyo ni Prinsesa Yna pero napag usapan na nang mga hukom na itutuloy na ang kasal niyong dalawa" nagulat ako sa sinabi niya. 



" Pero Ama, si Oceania po ako nakatakdang ikasal sa akin" iniiwasan kong pagtaasan siya ng boses.



" Ang munting prinsesa na yun, nabalitaan namin na wala pa siyang kapangyarihan" ano bang sinasabi niya.



" Ano po ang inyong binibigkas Ama, may kapangyarihan mo si Mira at wala po akong gustong pakasalan kundi siya lamang at wala nang iba" 



"Lapastangan!" napa tungo naman ako. " Hindi pwedeng mamuno ang prinsesa na wala namang kayang gawin para iligtas ang mundo natin. Narinig namin ang usap usapan mula sa academya niyo na wala siyang kapangyarihan" 



"Alam na po ba ito ng Inang Reyna at Amang Hari" sabi ko na tinutukoy ang mga magulang ni Mira. 

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon