Chapter 17

431K 14.5K 1.6K
                                    

Nauuna akong maglakad kay Demi at nakasunod siya sa akin. For the past few days, tinrack ko kung saang way ang safest papunta sa library. Pumunta ako sa likuran ng dorm dahil mapuno doon at walang makakakita sa amin, though mas mahaba nga lang ang lalakarin. Naramdaman ko namang medyo nauuna na sa akin si Demi, which is probably good dahil para siyang nag-iilaw dahil sa white fur niya at nagsisilbing guide ko.

Buti na lang at wala kaming nakasalubong na kahit sino. ‘Yung past encounters ko kasi ay lagi akong nakakakita ng kung sinu-sino pero luckily, si Hideo lang ang nakakita sa akin.

Pagdating namin sa library, sumuot agad ako sa bintana na in-unlock ko kanina. Pagbukas ko nun ay tumalon din si Demi papasok sa library. Inactivate ko ‘yung ring flashlight ni Mayu para kahit papaano ay may ilaw kami. Naglakad ako papunta sa restricted section pero nakalock ‘yung pinto. At ang nakakainis pa, may code na sasagutan para bumukas ‘yung lock. And I am not good at those.

“Meow.”

“Anong sabi mo?”

Buti na lang talaga at walang nakakakita sa akin kundi iisipin nilang nasisiraan na ako. I’m conversing with a cat...a cat.

Bigla naman siyang tumalon sa akin papunta sa ulo ko. Then tumalon ulit siya at pagtingin ko, may maliit na space doon sa pagitan  ng pinto at wall. Napangiti ako agad.

“Nice one, Demi. Go inside and bring me a good book.”

“Meow.”

Hindi ako nakakaintindi ng cat language but I hope she means ‘okay’ or ‘yes’.

Habang nasa restricted section si Demi ay naglibot naman ako sa ibang shelves at nagbabakasakaling may kakaibang libro akong makikita. Nabobother din ako sa shadows ng kurtina dahil feeling ko ay may nakatingin sa akin. Curse that Hideo! Dahil sa ginawa niya dati, hindi na tuloy ako makapagfocus dahil sa paranoia.

Hinayaan ko na lang na i-lead ako ng instinct ko. Pumunta ako sa rightmost corner at tinignan ko ‘yung rows of books na nakaayos sa mga shelf. On my peripheral vision, nakita ko si Demi na lumalabas doon sa maliit na space sa taas ng pinto at may kagat-kagat siyang libro. Hindi ko alam kung paano ‘yun nakaya ng bibig niya but still, I’m thankful na kasama ko siya ngayon. May kinuha rin akong kakaibang libro sa kinatatayuan ko na nakasulat sa ancient writing.

Pumunta kami sa gilid, sa natatakpan ng shelves at hindi nakikita sa bintana, then tinutok ko ‘yung ring flashlight ko sa librong kinuha ko. Ang tagal ko pa bago nadecipher ‘yung title dahil nakasulat rin ‘yun in ancient text.

“Using the Sixth Sense. Mukhang magagamit ko ang librong ‘to.”

“Meow.”

Feeling ko either unti-unti na akong nakakaintindi ng cat language or nasisiraan na ako. Pero mukhang nag-agree sa akin si Demi sa statement ko kanina. Then nilapag niya sa lap ko ‘yung librong kinuha niya sa restricted section at dinecode ko ulit ‘yun.

I gasped when I was able to read the title. Napatingin pa ako kay Demi at hindi ko alam kung sinwerte ba siya o sadyang malakas lang ang pakiramdam niya.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon