The black dimension was opened but after that, nawala na ‘yung presence kaya lalo akong kinabahan. Konti lang ang may kakayahang buksan ang black dimension in a splitsecond like my family, the Elites, Dana, Keith and Kid. For sure isa sa kanila ang malapit sa amin pero hindi ko alam kung sino.
“Now we also have to deal with Shinigamis,” bulong ni Mayu.
“No. We need to solve this crime first,” sabi naman ni Hideo kaya napatingin silang lahat sa kanila.
Bigla namang in-open ni Mayu ‘yung pinto ng van kaya lumabas kami at sinundan namin si Hideo na nangunguna papunta doon sa crime scene. Pero napansin ko na tumingin muna siya sa paligid. He’s still wary about black dimension and the Shinigami.
“Ito pala ang pakiramdam kapag nagbubukas ang black dimension.” Napatingin naman ako kay Mitsuo. So ibig sabihin, first time niyang maencounter ang black dimension?
“You mean hindi ka pa nakakaencounter ng Shinigamis?” tanong sa kanya ni Naomi.
“I’ve heard about them but I’ve never seen one.”
Weird. Parang sanay na siya sa crimes and all pero hindi pa siya nakakakita ng Shinigami? Well, I’m a Shinigami so that means may isa na siyang nakita, though hindi niya naman alam.
Pumunta kami sa crime scene at napatingin sa amin ‘yung officer na kumakausap sa suspects pati na rin ‘yung bwisit na detective.
“What are you doing here, brats?” tanong nung detective na binigyan pa kami ng superior look. Kung hindi ko lang talaga kasama ang mga taong ‘to, wala pang isang segundo ay wala na siyang buhay.
“We’re here again, Sir,” sabi ni Hideo sa officer at hindi niya binigyan ng pansin o kahit sulyap man lang ‘yung detective. Halata namang nainis siya sa ginawa ni Hideo kaya nag-iba ‘yung expression niya.
“Oh. Kayo ‘yung detectives kanina, hindi ba? The apprentices of Kyo?”
“Yes. And we’re here to expose the murderer’s identity.”
Pagkasabi nun ni Hideo ay nag-iba ‘yung tingin nung suspects at lalong nainis ‘yung detective. Pero nagulat ako nung kilala nung officer si Kyo. Does that mean alam nila ang identity niya?
‘Hey...’ sabay tingin ko kay Naomi.
‘Nope, if that’s what you want to ask. Hindi nila kilala si Sir Kyo as a Senshin pero kilala siya sa police force as Criminal Hunter. He helps them provided that his identity and appearance are only known by high ranking officials.’
Kaya pala. He’s really a troublesome man. Kailangan naming pagplanuhan kung paano siya papatahimikin dahil hindi imposibleng malaman niya ang identity ko. I really need to tell this to Mom and Dad.
“Huh? These kids are detectives?! Niloloko mo ba ako?” sabay tingin nung detective doon sa officer at tinuro kami. “You’re underestimating crimes, kids.”
“Shut up. You’re not even a decent detective,” biglang sabi ni Mitsuo kaya hinampas siya ni Naomi.
“Anong sinabi mo?!”
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...