Chapter 45

368K 12.9K 1.8K
                                    


Nagising ako nung may naramdaman akong dumikit sa balat ko, pero wala pa rin akong makita dahil sa blindfold na nilagay sa akin ni Kyo. Pagkagalaw ko ay naramdaman ko ring nakatali ang dalawa kong kamay sa likuran pati na ang mga binti ko. Naalala ko bigla ang mga nangyari at nagpanic ako nung narealize kong nawalan ako nang malay after that.

Si Kid...


"Kid?" tawag ko pero walang sumasagot. Wala rin akong maramdamang presence sa paligid ko. Pumikit ulit ako at huminga nang malalim. I felt a surge of energy going through every part of my body and I directed that power into my eyes. I used my sixth sense.


Natanggal ang blindfold mula sa mga mata ko at nakita ko ang kinalalagyan ko. Nasa isang kwarto ako na mukhang matagal nang hindi ginagamit dahil puro agiw at amoy pinaglumaan na rin. Sobrang dilim din at pagtingin ko sa maliit na bintana sa bandang itaas ay liwanag na lang ng buwan ang pumapasok sa loob.

Where the heck am I? And what happened to Kid? Sana walang masamang nangyari sa kanya. I swear, I won't forgive those two if something bad happened to him.

Nakarinig naman ako bigla ng kaluskos mula sa labas.

Footsteps...

Nararamdaman kong papunta sila rito kaya niready ko ang sarili ko kahit hindi ko alam kung paano ako makakalaban sa kalagayan ko. Kapag kasi pinipilit kong kumawala sa lubid na nakatali sa akin, mas lalong humihigpit kaya hindi na ako makahinga nang maayos.

Pinakinggan ko ang paglalakad nila at parang nasa ilalim ko lang sila. So does that mean, nasa second or third floor ako? Wala naman din kasi akong makita sa labas dahil masyadong mataas at maliit lang ang bintana.

Pumikit ako at kinalma ko ang sarili ko. I tried reaching and reading their minds from here and I was a bit surprised when I did hear their thoughts.


'Ano ang gagawin natin sa batang iyon?'

'Mas makakabuti kung mawawala na siya dahil siya ang susunod na mamumuno sa mga Shinigami.'

'Pero hindi ba mas maganda kung pag-aaralan muna natin siya? Kahit hindi sabihin ni Kyo ay alam kong may tinatago siya tungkol sa batang 'yun.'


Nung naramdaman kong papalapit na sila ay nagpanggap akong walang malay at sinara ko ang isip ko kung sakali mang magtangka silang basahin 'to. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pinigilan ko ang sarili ko sa pag-ubo dahil masyadong maraming alikabok ang kumalat.


"Gising," sabi nung isang boses ng lalaki at naramdaman ko ang paghawak niya sa noo ko. Pero halos mapasigaw ako nung naramdaman ko na parang nakuryente ang buong katawan ko kaya napadilat agad ako.

Pagtingin ko ay nakangiti 'yung lalaking nasa harapan ko sabay sabing, "the nervous system reacts to my touch and I can manipulate the electrical discharges running through it."


Lumayo ako sa kanya hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Sa harapan ko ay may dalawang matandang lalaki at isang babae. Isang tingin pa lang ay alam kong sila ang Council of Elders na sinasabi nila. Sa pagkakaalam ko, hindi rin sila nagpapakita sa mga estudyante pero may kapangyarihan sila sa administration. And of course, they are all from the Atama family.

I think they are in their eighties or nineties but they're not a bit senile. Just by looking at them, I can feel their power but I can say that they have weakened over the years.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon