Ginawang Fantasy ni wattpad ang genre nito imbes na Science Fiction. Kainis. So wag niyo na po siyang hanapin sa Scifi category kasi si wattpad na mismo nagbago huhu.
***
“Mayu,” sabi bigla ni Hideo.
“Yeah.”
May nilabas naman na parang controller si Mayu at may pinindot siyang button. Hindi ko alam kung para saan ‘yun pero parang may hinihintay siyang dumating.
“Akala ko ba pupunta tayo sa agency?” Nakakunot na naman ‘yung noo ni Mitsuo.
“Mag-antay ka,” sabi sa kanya ni Naomi at saka siya hinampas sa likod. Naubo naman si Mitsuo dahil sa lakas ng impact. Feeling ko kapag ako ang hinampas nang ganun, lalabas ang baga ko.
Ilang seconds pa lang ang lumilipas ay may nakita na akong paparating sa amin. Pagtingin ko, parang van. Nung huminto na sa tapat namin ay nilapitan ‘yun ni Mayu.
“Mitsuo, Akemi, this is Miyu, a programmed vehicle designed by my father.”
“Nice to meet you, Masters.”
Naamaze ako agad nung pumasok kami sa loob. Ang taas talaga ng level ng technology ng Senshins. Samantalang sa amin, ‘yung scientists ay more on making drugs. Drugs as in gamot na iniintake para pumatay nang walang evidence sa katawan. Though hindi pa rin napeperfect hanggang ngayon.
“Kakatapos lang ng programming sa kanya nung isang araw kaya kaming lima lang ang kilala niya. I’ll add your names later,” sabi ni Mayu sa amin.
Pagpasok sa loob ay kakaiba ang space. Parang hindi ganito kalaki kapag nasa labas ka. May mababang lamesa sa gitna at cushions. Sa side naman ay may holograms na puro computer terms ang nakikita ko, then sa harap ay ‘yung mismong main system ng sasakyan. This is really awesome.
Umupo kami doon sa gitna at may nakita akong paperworks sa lamesa.
“Oh, sorry,” sabay ligpit naman ni Mayu sa mga papel at pumunta siya sa main system ni Miyu.
“Ano ‘yun?” tanong ko kay Michiko na nasa right side ko.
“Projects niya sa Technology department. After three years kasi ay magreretire na si Sir Aiwa kaya naghahanda na siya para maging head.”
“Sir Aiwa?”
“Her father, also known as the Legendary Mechanic.”
Bigla akong kinilabutan nung narinig ko ‘yun. Kaya pala parang pamilyar ‘yung pangalang Aiwa. Siya ‘yung sinasabi ni Dad na kailangan naming mapatay dahil sa inventions niya. He’s a huge threat to us. I need to gather data as much as possible.
“Bakit pala siya magreretire? Hindi na ba niya kaya?”
“Well, 52 years old na siya and tradition sa kanila na kapag 25 na ang next heir ay siya na ang magiging head.”
“What will happen to him?” Napatingin naman ako kay Mitsuo. Mukhang interested din siya kay Aiwa.
“Magiging adviser na lang siya ng Technology department pero ang alam ko, sabi ni Mayu ay may gusto raw puntahan si Sir Aiwa na lugar.”
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...