“What do you mean? Alam mo na ang nangyari? Kilala mo na ang pumatay sa kanya?” tanong ko kaagad nung nasa harapan na kami ng bathtub.
“A little,” sabay taas niya doon sa nakuha niya sa tub...isang hibla ng sinulid.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ibig sabihin hindi pa siya sigurado talaga? Ang gulo ng isang ‘to ah. Lumapit ako sa kanya para makita rin ‘yung white thread na nakuha niya. Pero bakit kaya nasa tub ‘yun?
“There’s a high probability na si Carla ang pumatay sa ate niya, right?” sabi ko sa kanya. “Siya lang ang may spare key sa bahay nila maliban sa biktima at siya ang mas nakakakilala sa kapatid niya. Pero kung siya nga, bakit pa siya pumunta sa agency para ireport na nawawala ang kapatid niya?”
“Maybe to create an alibi.” Napatingin naman ako kay Naomi na pumasok na rin dito sa banyo at kasunod niya sina Mitsuo, Akira, Michiko at Mayu.
“Anong ginagawa nila?” tanong ko kaagad dahil bigla na lang silang pumunta rito.
“Iniinspect sila and sinusubject sa ilang tests,” sagot naman ni Mayu.
“Ano ‘yan?” sabay lapit ni Akira kay Hideo at tinignan niya ‘yung sinulid na hawak niya, at ganun din ang ginawa nung iba.
“Saan mo nakita?” tanong naman ni Mitsuo sa kanya at tinuro ni Hideo ‘yung tub.
Kanya-kanya kaming naghanap ng spots para maapag-observe at deduce sa nangyari. Pero ‘yung kalahati ng isip ko ay nakafocus sa ibang bagay. I really want to end this murder case para hindi na madivert ‘yung isip ko.
“That Francis...siya lang ang tinawagan ni Catherine ‘di ba? And you said na dahil may gusto siya sa kanya,” tapos tinignan ako ni Michiko.
“Halata naman eh.”
“At kailan ka pa naging love expert?”
“Sabi nga nila, everyone is an expert when it comes to love,” dagdag naman ni Akira at ngumiti siya nang nakakaloko sa akin. I rolled my eyes in return.
“And since girlfriend niya si Carla, may motive rin siya para patayin si Catherine dahil nakakagulo siya sa relasyon nila. Ganun din ang motive ni Carla,” pagtutuloy ni Michiko.
“That Chris is suspicious too. Kung sa kanya nakitulog si Catherine, there’s a high probability na siya ang pumatay sa kanya. Pwedeng doon siya pinatay at dinala lang dito sa bahay to frame someone and he just made up his alibi,” sabi naman ni Naomi at natahimik kaming lahat.
“That’s impossible.” Pagkasabi nun ni Mitsuo ay kumunot ang noo ni Naomi.
“At bakit?”
“Kung dinala niya nga rito ang bangkay, don’t you think there will be traces of blood on his car? Chineck ko ‘yun kanina nung lumabas ako at wala naman. At kung sedated naman siya nung dinala rito at dito siya mismo pinatay, dapat ay may nadetect na chemical sa kanya.”
“And what if it’s just ammonia na nilagay sa panyo at tinakip sa bibig at ilong niya? The comfort room is the best room to place the body since matatanggal ‘yung amoy nun.”
“No. She was killed here,” sabi bigla ni Hideo na nakapagpatahimik doon sa dalawa.
“How did you know?”
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...