Chapter 52

330K 12K 5.2K
                                    


Nasa isang madilim na lugar na naman ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero habang naglalakad ako ay parang lumiliit ang paligid. Hanggang sa tuluyan nang nag-compress ang buong paligid papunta sa akin na naging dahilan para mapasigaw ako.


"Rielle!"


Nagising ako habang hinahabol ang paghinga ko. Noong una ay wala akong makita pero makalipas ang ilang segundo ay naaninag ko ang kisame at napabuntung-hininga ako. Panaginip lang pala.


"Rielle..." Napalingon ako at nakita ko si Kid na nakatingin sa akin. Sinubukan kong bumangon pero pinigilan niya ako. "Don't move," bulong niya.

"Where are we—" Napatigil ako nung nakita ko ang paligid.


We're surrounded by walls, there are no windows, the room doesn't have anything except the bed where I'm lying...and the rails in front of us. We're inside a prison.

Napatingin ako kay Kid at nag-iwas naman siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang gulu-gulo ng isip ko. Nadidisorient ako at hindi ko maalala kaagad ang mga nangyari dati. It must be the effect of my long slumber.

Sinubukan ko namang alalahanin ang nangyari bago ako magising at halos sumakit ang ulo ko dahil doon. Makalipas ang ilang minuto ay naalala ko ang nangyari sa hallway. Wait, are we still inside the campus? Did we fail?


"Nasaan tayo? Where's Keith?" mahina kong tanong kay Kid at inabot ko kaagad ang kamay niya dahil nakaramdam ako ng takot, habang ang isa kong kamay ay nilagay ko sa tiyan ko.

"Dungeon."


Kahit madilim ay kitang-kita ko ang mga mata niya at dahil sa expression niya ay agad kong narealize kung nasaan kami. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at huminga ako nang malalim dahil sa nagbubuild-up na frustrations sa loob ko.

Nagawa naming makabalik sa base pero hindi ko inaasahang magigising ako sa loob ng kulungan.


"Sinong nag-utos nito?" tanong ko ulit pero hindi siya nakapagsalita. Pinilit ko ang sarili ko na umupo at tinulungan naman niya ako. Magtatanong na sana ulit ako pero napatigil ako nung may narinig akong boses.

"Sir Subaro's order." Pagtingin ko sa kabilang side ng rails ay nakita ko si Raizo, one of Dad's Elites, habang seryosong nakatingin sa amin.


So it's really Dad's order. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak dahil ayokong makita nila ako sa ganung kondisyon. Mabuti na lang at medyo madilim dito at tanging torch lights lang ang nagbibigay ng liwanag sa parteng 'to ng dungeon.


"What did he say?" tanong ko kay Raizo pero nagulat ako nung lumitaw si Dad sa tabi niya. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nung nakita ko siya pero nangibabaw ang takot ko.

"You're really a disappointment," he said with a cold voice. "You've failed to be an eye and now, you became too weak." He gripped the rails so hard and I winced automatically. "You have no right to rule my tribe if you can't even control yourself."


Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Kid sa akin at nagulat ako nung nakita kong balak niyang magsalita. "Sir—" Hinila ko ang kamay ni Kid but I was too late.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon