Habang hinihintay ang kung sinumang naglalakad sa paligid ay halos ang ulan at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Sa bawat paghakbang niya ay lalo akong kinakabahan pero lalo ring lumalakas ang loob ko dahil may kailangan akong protektahan.
Huminto siya sa paglalakad at nung nakita ko ang paa niya sa harapan ko ay agad kong hinagis ang isang card ko papunta sa direksyon niya. Pero nagulat ako nung napigilan niya 'to gamit ang isang...
...pamaypay.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nagcollapse ang mga binti ko nung sumilip siya sa loob. Those calculating green eyes, light brown hair and her fan...I can't believe she's right in front of me.
"N-Naomi..."
Maging siya ay gulat ang expression at hindi makapaniwalang nandito ako. Tuluyan na akong nagbreakdown dahil akala ko ay malalagay sa panganib ang buhay ng anak ko. Akala ko, katapusan ko na.
"Oh God. You're really here. Akemi..."
Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Wala na akong ginawa kundi umiyak. Gusto kong ipakita na hindi ako mahina pero lahat ng nangyayari sa paligid ko ay nagpapaiyak sa akin.
Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay kinuha ko si Rainie at sumunod sa amin si Demi sa paglabas. Inalalayan kami ni Naomi at nung nakalabas kami ay hinigpitan ko ang nakabalot na cloak kay Rainie.
"I need to thank Haruka for this," sabi niya at nagulat ako sa narinig ko. Haruka is Dana's second name, or in their term, alternative name.
"Haruka? How did you know her?"
"It's a long story but she informed me about their plan. She asked for my help. Worst possible situation daw ay mag-isa kang pupunta rito at mukhang tama nga siya."
Dana...
Hindi ko akalaing naplano na nila 'to at nagawa pa niyang sabihan si Naomi. Pero masaya ako ngayon at nakita ko siya. Ang tagal na rin simula nung huli ko siyang nakita at nung huli kaming nag-usap. Naalala ko bigla ang nakita ko sa dimension na 'yun nung sobrang tagal kong nakatulog sa loob ng cryogenic chamber.
"How's your son?" tanong ko at siya naman ang nagulat.
"How did you..."Napangiti ako dahil sa reaksyon niya.
"I just know."
"He's fine," sabay ngiti niya at parang nakita ko ang sarili ko sa kanya nung nakita ko kanina ang pagngiti ni Rainie. A mother's smile. "He's turning one in two months." Bigla namang naging malungkot ang itsura niya. "It's just sad that there's a war right now."
Lalong lumakas ang ulan kaya naputol ang pag-uusap namin at binilas namin ang paglalakad. Gusto kong makita ang anak niya pati na rin ang iba pero hindi ko alam kung...kung aabot pa ako. Hinang-hina na ang katawan ko at lalo lang bumibigat dahil sa lakas ng ulan. Ramdam ko rin ang patuloy na pagtulo ng dugo pero hindi ko na pinansin.
"What's her name?" biglang tanong niya.
"Rainie," sabi ko at napangiti ako habang tinitignan siya. "How about your son?"
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Misteri / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...