Chapter 43

339K 12.9K 2.1K
                                    


"Seriously?"

"Of course. A piece of cake."


Naglalakad kami ngayon ni Kid sa Black Dimension at kinuwento niya sa akin ang first mission na ibinigay sa kanya after niyang makalabas sa kulungan. He killed three humdrum congressmen who were messing with our Soldiers. Some of our Soldiers ar disguised as part of their office but these congressmen realized that their funds were being embezzled. Kid was asked to finish those three and he did it.


"Did you see Dana and Keith?" tanong ko naman dahil ilang linggo ko na silang 'di nakikita. Ni hindi man lang kami nagkakaabutan.

"You mean Haruka and Daiki, right Akemi?" sabay ngiti naman niya. Gustung-gusto niyang tinatawag kami sa second names namin at hindi ko alam kung bakit. "Busy sila sa mission na binigay ng Dad mo."

"At hindi ko pa rin alam kung anong mission 'yun. Ni hindi naman nila sinasabi sa akin."


Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa buksan namin ang Black Dimension. Nag-end up kami sa rooftop ng isang building at rinig mula rito ang ingay sa baba. Pagtingin ko, may police cars sa main entrance ng building at nagkumpol ang mga tao doon.


"What happened?"

"I'll check it." Kid opened the Black Dimension and after a minute, he came back. "Fuck it. He's dead."

"Sino?"

"Our client."

"What?!"


Shit. This is not good.

Mom gave this mission to us and to redeem myself, I must complete the tasks. Kailangan naming malaman sa CEO ng company na 'to ang kinalalagyan ng laboratory niya dahil ayon sa sources na nakuha namin, may pinag-aaralan silang blue-eyed person.

Yes, it might be a Huntres. Naging interested sina Mom at ang researchers namin nung nalaman nila ang bagay na 'yun kaya pinadala nila kami rito. Mataas din kasi ang position ng CEO sa underground business so mahirap siyang malapitan kung Reapers lang ang ipapadala nila.

I'm sure this has something to do with the eye project pero hindi ko na tinanong si Mom dahil baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon ko. Among the four tribes, rare talaga na makakita ka ng Huntres sa cities dahil kadalasan ay tumitira sila sa secluded villages at sinasarili na nila ang lugar na 'yun. Kaya naman siguro para sa researchers, malaking bagay ang blue-eyed person na sinasabi ng CEO na 'yun pero ngayong patay na siya, hindi namin alam kung may makukuha pa kaming information about that.


"Let's go," sabi ko at inopen namin ang Black Dimension para makapunta doon sa crime scene.


We blended easily with the employees because of our corporate attire. Balak sana naming makipag-meeting sa kanya pero dahil sa nangyari ay nasira na ang plano namin. Hindi pa nakakaakyat ang mga pulis dito kaya naman puro employees ang kasama namin na nakikiusisa rin sa nangyari.

Sa top floor nangyari ang pagpatay at mukhang brutal ang nangyari dahil 'yung desk at floor ay punung-puno ng dugo. Nakahandusay sa lapag ang katawan niya at nakita kong nasa right part ng leeg ang fatal wound na natamo niya.


"Slashed in his carotid artery. Tsk. What a messy way of killing," sabi ni Kid habang nakakunot ang noo. Well, he's known for killing silently and without a trace so I guess this scene annoyed the heck out of him.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon