"Who are you?" tanong ko pero nginitian niya lang ako at naglakad palayo. Sinundan ko siya hanggang sa tumigil siya sa paglalakad. I asked the same question.
"My name's Kiyoko, and I am you."
Nagulat ako sa narinig ko at mukhang nahalata niya 'yun dahil tinawanan niya ako.
Kiyoko...
Hindi ko alam kung ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yun dahil parang pamilyar sa akin pero hindi ko maalala kung kailan at saan. Isa pa, may kakaiba talaga akong nararamdaman sa kanya. Am I missing something here?
"W-what do you mean by that?"
"Hm? About what?"
"You said you are me." Ngumiti ulit siya pero this time ay nakita ko ang lungkot at awa sa mga mata niya.
"It's the truth. I'm Kiyoko and at the same time, you."
Lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya pero sa loob-loob ko, alam kong hindi siya nagsisinungaling. Ano bang ibig niyang sabihin sa mga salitang 'yun? Na iisang tao kami? Na siya ay ako? Pero imposible. She has a name and her physical appearance is very different from mine. Isa pa, mukhang hindi naman kami magkaparehas ng edad. Mukhang nasa pagitan lang siya ng edad nina Sarah at Rin.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong niya at nung naging seryoso ang expression niya ay may kung anong nagflash sa utak ko.
"N-nagkita na ba tayo dati?"
"Hmm...yes. Ilang taon na nga ba ang nakakalipas? Remember the last time you went to that laboratory?"
Biglang bumalik ang lahat sa akin. Maybe I didn't want to remember it that's why I unconsciously keep those memories at the corner of my mind, pero ngayong nasa harapan ko ang batang ito ay unti-unti kong naalala ang kabataan ko.
I think I was just nine or ten that time. I received my first mission alone and without my Elites. I completed it but sustained a fatal injury. Kid managed to track me in the Black Dimension and he immediately reported it. Dahil bata pa ako nun at may malala akong injury ay hindi ko na maalala ang ilan sa nangyari. Ang natatandaan ko na lang ay ang mukha ni Saeko na siyang kumuha sa akin at dinala ako sa kung saan. Halos mawalan na ako ng malay dahil sa dami ng dugong nawala sa akin pero nagawa ko pang tignan ang paligid. Nasa isang laboratory ako pero hindi ito ang lab kung saan dinadala ang wounded Shinigamis.
Hah. Maybe this is the place where injured Shinigamis with hopeless cases wait for their deaths.
'I wish I could see Rin for the last time,' sabi ko sa sarili ko pero nagulat ako nung may marinig akong ibang boses sa isip ko.
'Me too. I wish I could see my parents for the last time.' Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses pero hindi ko na maigalaw nang maayos ang leeg ko. Sinubukan kong ilibot ang paningin ko at nung mapatingin ako sa kanang side ko ay may nakita akong babae na siguro ay mas matanda lang sa akin ng ilang taon, na nakahiga rin at duguan ang katawan. Wala nang buhay ang expression niya kaya nagulat ako nung narinig ko ang boses niya.
'Who are y—' Natigilan ako sa pagtatanong dahil nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at unti-unting bumigat ang mga mata ko.
'Kiyoko. A Senshin...'
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...