Correction lang sa last update. Napagpalit ko 'yung alternative names nina Keith at Kid. Keith should be Daiki, not Kuro. Haha.
***
“Ouch! Ouch!”
Sobrang higpit ng hawak ko doon sa unan dahil ang sakit ng paa ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa nung doktor dahil ayokong tignan. Nung nakita ko kasi kanina ‘yung paa ko ay namamaga na at pulang-pula kaya hindi ko na ulit tinignan pa. Matapos ang isang oras ay pinagpahinga na ako ng doktor habang ‘yung assistant niya ay nakatingin sa akin. Kaming dalawa na lang dito sa room dahil ‘yung lima ay bumalik muna sa dorm habang si Naomi ay nasa kabilang kwarto.
“Ikaw pala ‘yung isa sa mga bago sa Atama. Nice meeting you,” tapos yumuko siya sa akin. Nagnod na lang ako sa kanya tapos tinignan ko ‘yung name niya doon sa uniform niya, which is Yuuki. After niya akong icheck ulit ay umalis din siya kaagad.
Nung mag-isa na lang ako sa kwarto ay napabuntung-hininga ako at inisip ko lahat ng nangyari ngayong araw. Sa loob ng isang araw ay ang daming nagbago at mababago. Hindi ko alam kung kaya ko pang makatagal dito. Gusto ko nang bumalik pero ayaw naman ng pamilya ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar ngayon.
Idagdag pa ‘yung nangyari kay Kid. I know Mom can be cruel but I didn’t expect na gagawin niya ‘yun kay Kid. Nung nakita ko kanina ‘yung mga sugat niya at halos puro mantsa ng dugo ‘yung damit niya ay doon ako naiyak. Nagawa niya pang ngumiti-ngiti sa akin kanina kahit alam kong sobrang sakit ng katawan niya. Sana lang ay nakuha nina Dana at Keith ang card ko. Sana nabasa nila ‘yung sinulat ko tungkol kay Kid.
“Hey,” sabay bukas ng pinto at nakita ko ang pagmumukha ni Hideo. Hinigpitan ko ang pagkakasarado ko sa isip ko.
“Anong kailangan mo?” tanong ko tsaka ko siya binigyan ng matalim na tingin.
“Wala. Chineck lang kita.”
“I’m okay. Makakaalis ka na.”
“You’re not.”
Biglang nagflash sa isip ko ‘yung pag-uusap namin ni Kid kanina dahil ganun din ang naging takbo ng usapan namin. I immediately dismissed that thought. Hindi na lang ako umimik after that.
“Are you hiding something from us?”
Nung tinanong niya ‘yun at napatingin ako sa kanya. Seryosong-seryoso ang expression niya kaya kinabahan ako. But I managed to control my emotions at tinignan ko rin siya nang seryoso.
“Lahat ng tao may sikretong tinatago,” sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa akin. Napaatras ‘yung ulo ko at naramdaman ko ang headboard habang ‘yung mukha niya ay nasa harapan ko.
“But yours seems to be deeper and darker.”
Tinulak ko siya palayo at tinignan ko siya nang masama. Gusto ko nang sumigaw dahil sa frustrations na nararamdaman ko pero kinalma ko ang sarili ko.
“We all have dark secrets that should never be revealed, Hideo. Hindi lang ako. Kaya kung tapos ka na sa pag-iinterrogate mo sa akin, pwede ba umalis ka muna? I want to rest.”
BINABASA MO ANG
Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop Fiction
Misterio / Suspenso𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || As the next head of the Shinigami tribe, Rielle was given a mission to infiltrate their archenemy's base, Tantei High, in search of any information about the legendary seventh sense. Her an...